وَلَا تَحۡسَبَنَّ ٱللَّهَ غَٰفِلًا عَمَّا يَعۡمَلُ ٱلظَّٰلِمُونَۚ إِنَّمَا يُؤَخِّرُهُمۡ لِيَوۡمࣲ تَشۡخَصُ فِيهِ ٱلۡأَبۡصَٰرُ ٤٢
Ibrahim 14:42
سورة إبراهيم
Meccan
Verse: 42/52
Page 260
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Huwag ka ngang mag-akalang si Allāh ay nalilingat sa anumang ginagawa ng mga tagalabag sa katarungan. Nagpapaliban lamang Siya sa kanila sa araw na mandidilat doon ang mga paningin. -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Huwag ka ngang magpalagay, O Sugo, na si Allāh, yayamang nagpapaliban sa pagdurusa ng mga tagalabag sa katarungan, ay nalilingat sa anumang ginagawa ng mga tagalabag sa katarungan gaya ng pagpapasinungaling, pagbalakid sa landas ni Allāh, at iba pa roon. Bagkus Siya ay nakaaalam niyon: walang naikukubli sa Kanya mula roon na anuman. Nagpapaliban lamang Siya ng pagdurusa nila sa Araw ng Pagbangon, yaong araw na aangat ang mga paningin dala ng pangamba dahil sa hilakbot sa masasaksihan ng mga ito.
Ibrahim 14:42
Loading the recitation…
0:00