مُهۡطِعِينَ مُقۡنِعِي رُءُوسِهِمۡ لَا يَرۡتَدُّ إِلَيۡهِمۡ طَرۡفُهُمۡۖ وَأَفۡـِٔدَتُهُمۡ هَوَآءࣱ ٤٣
Ibrahim 14:43
سورة إبراهيم
Meccan
Verse: 43/52
Page 261
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Mga kumakaripas na mga nagtitingala ng mga ulo nila, hindi nanunumbalik sa kanila ang sulyap nila habang ang mga puso nila ay hungkag. -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Kapag bumangon ang mga tao mula sa mga libingan nila habang mga nagmamadali patungo sa tagapanawagan habang mga nag-aangat ng mga ulo nila habang nakatingin dala ng pagkabalisa sa langit, ay hindi bumabalik sa kanila ang mga paningin nila, bagkus nanatiling nakadilat dala ng hilakbot sa nasasaksihan nila habang ang mga puso nila ay walang-laman, walang pagkatalos ni pagkaunawa dahil sa pagkasindak sa sinasaksihan.
Ibrahim 14:43
Loading the recitation…
0:00