وَأَنذِرِ ٱلنَّاسَ يَوۡمَ يَأۡتِيهِمُ ٱلۡعَذَابُ فَيَقُولُ ٱلَّذِينَ ظَلَمُواْ رَبَّنَآ أَخِّرۡنَآ إِلَىٰٓ أَجَلࣲ قَرِيبࣲ نُّجِبۡ دَعۡوَتَكَ وَنَتَّبِعِ ٱلرُّسُلَۗ أَوَلَمۡ تَكُونُوٓاْ أَقۡسَمۡتُم مِّن قَبۡلُ مَا لَكُم مِّن زَوَالࣲ ٤٤
Ibrahim 14:44
سورة إبراهيم
Meccan
Verse: 44/52
Page 261
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Magbabala ka sa mga tao ng araw na pupunta sa kanila ang pagdurusa at magsasabi ang mga lumabag sa katarungan: "Panginoon namin, magpaliban Ka sa amin hanggang sa isang taning na malapit, sasagot kami sa paanyaya Mo at susunod kami sa mga sugo Mo." [Sasabihin:] "Hindi ba kayo sumumpa noon pa man na wala kayong anumang kawakasan? -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Magpangamba ka, O Sugo, sa kalipunan mo sa pagdurusa mula kay Allāh sa Araw ng Pagbangon kaya magsasabi sa sandaling iyon ang mga lumabag sa katarungan sa pamamagitan ng kawalang-pananampalataya kay Allāh at pagtatambal sa Kanya: "O Panginoon namin, palugitan Mo kami, ipagpaliban Mo sa amin ang pagdurusa, at pabalikin Mo kami sa Mundo sa loob ng madaling yugto; sasampalataya kami sa Iyo at susunod kami sa mga sugong ipinadala Mo sa amin." Kaya sasagutin sila bilang pagtuligsa sa kanila: "Hindi ba sumumpa kayo noon sa buhay sa Mundo na kayo ay hindi lilipat mula sa buhay sa Mundo patungo sa Kabilang-buhay habang mga nagkakaila sa pagbubuhay matapos ng kamatayan?"
Ibrahim 14:44
Loading the recitation…
0:00