وَإِذۡ قَالَ مُوسَىٰ لِقَوۡمِهِ ٱذۡكُرُواْ نِعۡمَةَ ٱللَّهِ عَلَيۡكُمۡ إِذۡ أَنجَىٰكُم مِّنۡ ءَالِ فِرۡعَوۡنَ يَسُومُونَكُمۡ سُوٓءَ ٱلۡعَذَابِ وَيُذَبِّحُونَ أَبۡنَآءَكُمۡ وَيَسۡتَحۡيُونَ نِسَآءَكُمۡۚ وَفِي ذَٰلِكُم بَلَآءࣱ مِّن رَّبِّكُمۡ عَظِيمࣱ ٦
Ibrahim 14:6
سورة إبراهيم
Meccan
Verse: 6/52
Page 256
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
[Banggitin] noong nagsabi si Moises sa mga tao niya: "Alalahanin ninyo ang biyaya ni Allāh sa inyo noong iniligtas Niya kayo mula sa angkan ni Paraon; pinalalasap nila kayo ng napakasagwang pagdurusa: pinagkakatay nila ang mga lalaking anak ninyo at hinahayaan nilang mabuhay ang mga kababaihan ninyo. Sa gayon iyon ay may isang pagsubok mula sa Panginoon ninyo, na sukdulan. -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Banggitin mo, O Sugo, nang sumunod si Moises sa utos ng Panginoon niya at nagsabi siya sa mga tao niya kabilang sa mga anak ni Israel habang nagpapaalaala sa kanila ng mga biyaya ni Allāh sa kanila: "O mga tao ko, alalahanin ninyo ang biyaya ni Allāh sa inyo nang sinagip Niya kayo mula sa angkan ni Paraon at pinaligtas Niya kayo mula sa lupit nila; pinagdaranas nila kayo ng napakasamang pagdurusa yayamang sila ay kumakatay sa mga anak ninyong lalaki upang walang ipanganak sa inyo na aagaw sa paghahari ni Paraon at nagpapanatili sa mga kababaihan ninyo sa bingit ng buhay para abahin sila at hamakin sila. Sa mga gawain nilang ito ay may isang pagsusulit para sa inyo, na sukdulan sa pagtitiis, kaya tinumbasan kayo ni Allāh dahil sa pagtitiis ninyo sa pagsubok na ito sa pamamagitan ng pagsagip sa inyo sa lupit ng angkan ni Paraon.
Ibrahim 14:6
Loading the recitation…
0:00