وَكَأَيِّن مِّن قَرۡيَةٍ هِيَ أَشَدُّ قُوَّةࣰ مِّن قَرۡيَتِكَ ٱلَّتِيٓ أَخۡرَجَتۡكَ أَهۡلَكۡنَٰهُمۡ فَلَا نَاصِرَ لَهُمۡ ١٣
Muhammad 47:13
سورة محمد
Medinan
Verse: 13/38
Page 508
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Kay raming pamayanan ay higit na matindi sa lakas kaysa sa pamayanan mo na nagpalayas sa iyo; lumipol Kami sa kanila at walang tagaadya para sa kanila. -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Kay raming pamayanan kabilang sa mga pamayanan ng mga kalipunang nauna ay higit na matindi sa lakas at higit na marami sa mga yaman at mga anak kaysa sa Makkah na nagpalayas sa iyo ang mga mamayan niyon mula roon. Lumipol Kami sa kanila noong nagpasinungaling sila sa mga sugo sa kanila at walang tagaadya para sa kanila na sasagip sa kanila mula sa pagdurusang dulot Namin noong dumating ito sa kanila. Hindi nagpapahina sa Amin ang pagpapasawi sa mga mamamayan ng Makkah kapag nagnais Kami niyon.
Muhammad 47:13
Loading the recitation…
0:00