وَلِسُلَيۡمَٰنَ ٱلرِّيحَ غُدُوُّهَا شَهۡرࣱ وَرَوَاحُهَا شَهۡرࣱۖ وَأَسَلۡنَا لَهُۥ عَيۡنَ ٱلۡقِطۡرِۖ وَمِنَ ٱلۡجِنِّ مَن يَعۡمَلُ بَيۡنَ يَدَيۡهِ بِإِذۡنِ رَبِّهِۦۖ وَمَن يَزِغۡ مِنۡهُمۡ عَنۡ أَمۡرِنَا نُذِقۡهُ مِنۡ عَذَابِ ٱلسَّعِيرِ ١٢
Saba' 34:12
سورة سبأ
Meccan
Verse: 12/54
Page 429
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
[Pinaglingkod] para kay Solomon ang hangin. Ang paglalakbay nito sa umaga ay [singlayo ng] isang buwan at ang paglalakbay nito sa tanghali ay [singlayo ng] isang buwan. Tumunaw Kami para sa kanya ng bukal ng tanso. Mayroong mga jinn na gumagawa sa harapan niya ayon sa pahintulot ng Panginoon niya. Ang sinumang lumihis kabilang sa kanila palayo sa utos Namin ay magpapalasap Kami sa kanya mula sa pagdurusa sa Liyab. -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Pinaglingkod Namin para kay Solomon na anak ni David - sumakanilang dalawa ang pangangalaga - ang hangin. Naglalakbay ito sa umaga ng singlayo ng isang buwan at naglalakbay ito sa tanghali ng singlayo ng isang buwan. Nagpasalikido Kami para sa kanya ng bukal ng tanso upang yumari siya mula sa tanso ng anumang niloloob niya. Nagpalingkod para sa kanya ng mga jinn na gumagawa sa harapan niya ayon sa utos ng Panginoon niya. Ang kumikiling kabilang sa mga jinn palayo sa ipinag-utos Namin sa kanya ay magpapalasap Kami sa kanya mula sa pagdurusa sa Apoy na naglalagablab.
Saba' 34:12
Loading the recitation…
0:00