وَإِذَآ أَذَقۡنَا ٱلنَّاسَ رَحۡمَةࣰ مِّنۢ بَعۡدِ ضَرَّآءَ مَسَّتۡهُمۡ إِذَا لَهُم مَّكۡرࣱ فِيٓ ءَايَاتِنَاۚ قُلِ ٱللَّهُ أَسۡرَعُ مَكۡرًاۚ إِنَّ رُسُلَنَا يَكۡتُبُونَ مَا تَمۡكُرُونَ ٢١
Yunus 10:21
سورة يونس
Meccan
Verse: 21/109
Page 211
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Nang nagpalasap Kami sa mga tao ng isang awa pagkatapos ng isang kagipitan na sumaling sa kanila, biglang mayroon silang isang panlalansi sa mga tanda Namin. Sabihin mo: "Si Allāh ay higit na mabilis sa panlalansi." Tunay na ang mga [anghel na] sugo Namin ay nagsusulat ng anumang panlalansi ninyo. -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Nang nagpalasap Kami sa mga tagapagtambal ng isang biyaya ng ulan at katabaan ng lupa matapos ng tagtuyot at kahikahusang dumapo sa kanila, biglang mayroon silang panunuya at pagpapasinungaling sa mga tanda Namin. Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na ito: "Si Allāh ay higit na matulin sa panlalansi at higit na mabilis sa pagpapain sa inyo at sa pagpaparusa." Tunay na ang mga tagapag-ingat kabilang sa mga anghel ay nagsusulat ng anumang ipinapanukala ninyong panlalansi. Walang makalulusot sa kanila mula sa mga ito na anuman kaya papaanong makalulusot sila sa Tagapaglikha nila? Gagantihan kayo ni Allāh sa panlalansi ninyo.
Yunus 10:21
Loading the recitation…
0:00