وَجَآءُو عَلَىٰ قَمِيصِهِۦ بِدَمࣲ كَذِبࣲۚ قَالَ بَلۡ سَوَّلَتۡ لَكُمۡ أَنفُسُكُمۡ أَمۡرࣰاۖ فَصَبۡرࣱ جَمِيلࣱۖ وَٱللَّهُ ٱلۡمُسۡتَعَانُ عَلَىٰ مَا تَصِفُونَ ١٨
Yusuf 12:18
سورة يوسف
Meccan
Verse: 18/111
Page 237
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Dumating sila dala ang damit niya na may dugong huwad. Nagsabi siya: "Bagkus hinalina kayo ng mga sarili ninyo sa isang kagagawan, kaya isang magandang pagtitiis [ang pagtitiis ko]. Si Allāh ay ang ipinapantulong laban sa inilalarawan ninyo." -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Binigyang-diin nila ang ulat nila sa pamamagitan ng panggugulang sapagkat dumating sila dala ang damit ni Yūsuf na nabahiran ng dugo na hindi dugo niya, na mga nagpapaakalang ito ay bakas ng pagkakain ng lobo sa kanya. Ngunit nakatalos si Jacob - sa pamamagitan ng isang pahiwatig na ang damit ay hindi nagkapunit-punit - sa kasinungalingan nila, kaya nagsabi siya sa kanila: "Ang nangyari ay hindi gaya ng ipinabatid ninyo, bagkus nang-akit sa inyo ang mga sarili ninyo sa isang masagwang kagagawang ginawa ninyo, kaya ang pagtitiis ko ay isang magandang pagtitiis na walang panghihinawa rito. Si Allāh ay ang hinihilingan ng tulong laban sa binabanggit ninyo na nangyari kay Yūsuf."
Yusuf 12:18
Loading the recitation…
0:00