فَلَمَّا جَهَّزَهُم بِجَهَازِهِمۡ جَعَلَ ٱلسِّقَايَةَ فِي رَحۡلِ أَخِيهِ ثُمَّ أَذَّنَ مُؤَذِّنٌ أَيَّتُهَا ٱلۡعِيرُ إِنَّكُمۡ لَسَٰرِقُونَ ٧٠
Yusuf 12:70
سورة يوسف
Meccan
Verse: 70/111
Page 244
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Kaya noong napaglaanan niya sila ng nakalaan sa kanila ay inilagay niya ang inuman sa sisidlan ng kapatid niya. Pagkatapos ay nanawagan ang isang tagapanawagan: "O karaban, tunay na kayo ay talagang mga magnanakaw." -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Kaya noong nautusan ni Yusuf ang mga tagapaglingkod niya ng pagkarga sa mga kamelyo ng mga kapatid niya ng pagkain, inilagay niya ang pantakal ng hari na ipinantatakal sa pagkain para sa mga mamimili ng pagkain sa lalagyan ng kapatid niyang buo nang walang kaalaman nila sa paglalayong panatilihin ito kasama niya. Noong nakalisan sila pauwi sa mag-anak nila ay may nanawagang isang tagapanawagan nakabuntot sa kanila: "O mga may-ari ng mga kamelyong kinargahan ng mga panustos, tunay na kayo ay talagang mga magnanakaw."
Yusuf 12:70
Loading the recitation…
0:00