سورة الرحمن

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم

ترجمة معاني سورة الرحمن باللغة الفلبينية من كتاب الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم

مركز تفسير للدراسات القرآنية

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم

مركز تفسير للدراسات القرآنية

الناشر

مركز تفسير للدراسات القرآنية

آية رقم 1
Ang Napakamaawain ay ang may awang malawak.
آية رقم 2
Nagturo Siya sa mga tao ng Qur’ān sa pamamagitan ng pagpapadali sa pagsasaulo nito at pagpapagaan sa pag-intindi sa mga kahulugan nito.
آية رقم 3
Lumikha Siya sa tao nang lubos at nagpaganda Siya sa pagbibigay-anyo rito.
آية رقم 4
Nagturo Siya rito kung papaanong magpahayag tungkol sa nasa budhi niya sa pagbigkas at pagsulat.
آية رقم 5
Ang araw at ang buwan ay tinakdaan Niya: umiinog ayon sa pagtutuos na tumpak upang malaman ng mga tao ang bilang ng mga taon at ang pagtutuos.
آية رقم 6
Ang walang tangkay na halaman at ang punong-kahoy ay nagpapatirapa kay Allāh - kaluwalhatian sa Kanya - bilang mga nagpapaakay at sumusuko sa Kanya.
آية رقم 7
At ang langit ay inangat Niya ito sa ibabaw ng lupa bilang bubong, pinatatag Niya ang katarungan sa lupa, at ipinag-utos Niya ito sa mga lingkod Niya.
آية رقم 8
Pinatatag Niya ang katarungan upang hindi kayo mang-api, O mga tao, at hindi kayo magtaksil sa pagtitimbang at pagtatakal.
آية رقم 9
Magpanatili kayo ng pagtitimbang sa pagitan ninyo ayon sa katarungan at huwag kayong magpakulang sa pagtitimbang o pagtatakal kapag tumakal kayo o tumimbang kayo para sa iba sa inyo.
آية رقم 10
At ang lupa ay inilagay Niya na nakahanda para sa pamamalagi ng nilikha sa ibabaw nito.
آية رقم 11
Narito ay ang mga punong-kahoy na namumunga ng mga bungang-kahoy at narito ay ang mga datiles na may mga sisidlan na mula sa mga ito ang bungang datiles.
آية رقم 12
Narito ang mga butil na may mga uhay gaya ng trigo at sebada, at narito ang mga halamang ipinapampabango ninyo ang halimuyak ng mga ito.
آية رقم 13
Kaya sa alin sa maraming biyaya ni Allāh sa inyo, O kapisanan ng jinn at tao, magpapasinungaling kayong dalawa?
آية رقم 14
Lumikha Siya kay Adan - sumakanya ang pangangalaga - mula sa putik na tuyo na nakaririnig dito ng kalansing tulad ng putik na niluto.
آية رقم 16
Kaya sa alin sa maraming biyaya ni Allāh sa inyo, O kapisanan ng jinn at tao, magpapasinungaling kayong dalawa?
آية رقم 17
[Siya] ang Panginoon ng dalawang silangan ng araw at ng dalawang kanluran nito sa taglamig at tag-init.
آية رقم 18
Kaya sa alin sa maraming biyaya ni Allāh sa inyo, o kapisanan ng jinn at tao, magpapasinungaling kayong dalawa?
آية رقم 19
Nagpahalo si Allāh sa dalawang dagat na maalat at matabang habang nagtatagpo ayon sa nakikita ng mata.
آية رقم 20
Sa pagitan ng dalawang ito ay may isang harang na humahadlang sa bawat sa dalawang ito na lumampas sa isa pa upang manatili ang matabang sa pagiging matabang at ang maalat sa pagiging maalat.
آية رقم 21
Kaya sa alin sa maraming biyaya ni Allāh sa inyo, o kapisanan ng jinn at tao, magpapasinungaling kayong dalawa?
آية رقم 22
Lumabas mula sa paghahalo ng dalawang dagat ang malalaki sa mga mutya at ang maliliit sa mga ito.
آية رقم 23
Kaya sa alin sa maraming biyaya ni Allāh sa inyo, O kapisanan ng jinn at tao, magpapasinungaling kayong dalawa?
آية رقم 24
Sa Kanya - kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya - tanging sa Kanya ang pagpapagalaw sa mga daong na naglalayag sa mga dagat na tulad ng mga bundok.
آية رقم 25
Kaya sa alin sa maraming biyaya ni Allāh sa inyo, O kapisanan ng jinn at tao, magpapasinungaling kayong dalawa?
آية رقم 26
Bawat sinumang nasa ibabaw ng lupa kabilang sa mga nilikha ay masasawi nang walang pasubali.
آية رقم 27
Mananatili naman ang mukha ng Panginoon mo, O sugo, ang may kadakilaan, paggawa ng maganda, at kabutihang-loob sa mga lingkod Niya sapagkat hindi Siya nasusundan ng pagkalipol magpakailanman.
آية رقم 28
Kaya sa alin sa maraming biyaya ni Allāh sa inyo, O kapisanan ng jinn at tao, magpapasinungaling kayong dalawa?
Nanghihingi sa Kanya ang sinumang nasa mga langit na mga anghel at ang sinumang nasa lupa na jinn at tao ng mga pangangailangan nila; bawat araw Siya ay nasa isa sa mga nauukol sa mga lingkod Niya gaya ng pagbibigay-buhay, pagbibigay-kamatayan, at iba pa roon.
آية رقم 30
Kaya sa alin sa maraming biyaya ni Allāh sa inyo, O kapisanan ng jinn at tao, magpapasinungaling kayong dalawa?
آية رقم 31
Magtutuon Kami para sa pagtutuos sa inyo, o tao at jinn, kaya gaganti Kami sa bawat isa ayon sa nagiging karapat-dapat sa kanya na gantimpala o parusa.
آية رقم 32
Kaya sa alin sa maraming biyaya ni Allāh sa inyo, O kapisanan ng jinn at tao, magpapasinungaling kayong dalawa?
Magsasabi si Allāh sa Araw ng Pagbangon kapag tinipon Niya ang jinn at ang tao: "O kapisanan ng jinn at tao, kung makakaya ninyo na makatagpo kayo ng isang labasan mula sa isa sa mga dako ng mga langit at lupa ay gawin ninyo. Hindi kayo makakakaya na gumawa niyon malibang sa pamamagitan ng isang lakas at malinaw na patunay at mula saan mayroon kayo niyon?"
آية رقم 34
Kaya sa alin sa maraming biyaya ni Allāh sa inyo, O kapisanan ng jinn at tao, magpapasinungaling kayong dalawa?
آية رقم 35
Magsusugo Siya sa inyong dalawa, O tao at jinn, ng lagablab ng apoy na walang usok at usok na walang lagablab, at hindi kayo makakakaya sa pagpigil niyon.
آية رقم 36
Kaya sa alin sa maraming biyaya ni Allāh sa inyo, O kapisanan ng jinn at tao, magpapasinungaling kayong dalawa?
آية رقم 37
Saka kapag nabiyak ang langit para sa pagbaba ng mga anghel mula roon at ito ay naging pula gaya ng langis sa pagningning ng kulay nito.
آية رقم 38
Kaya sa alin sa maraming biyaya ni Allāh sa inyo, O kapisanan ng jinn at tao, magpapasinungaling kayong dalawa?
آية رقم 39
Kaya sa dakilang araw na iyon ay hindi magtatanong sa isang tao ni isang jinn tungkol sa pagkakasala nila dahil sa kaalaman ni Allāh sa mga gawain nila.
آية رقم 40
Kaya sa alin sa maraming biyaya ni Allāh sa inyo, O kapisanan ng jinn at tao, magpapasinungaling kayong dalawa?
آية رقم 41
Makikilala ang mga salarin sa Araw ng Pagbangon sa mga palatandaan nila: ang kaitiman ng mga mukha at ang kabughawan ng mga mata. Idudugtong ang mga buhok sa noo nila at mga paa nila at itatapon sila sa Impiyerno.
آية رقم 42
Kaya sa alin sa maraming biyaya ni Allāh sa inyo, o kapisanan ng jinn at tao, magpapasinungaling kayong dalawa?
آية رقم 43
Sasabihan sa kanila bilang panunumbat: "Ito ay ang Impiyerno na nagpapasinungaling dito ang mga salarin sa Mundo, na nasa harapan na ng mga mata nila, na hindi nila makakaya ang pagkakaila nito."
آية رقم 44
Magpapabalik-balik sila sa pagitan nito at ng tubig na mainit na matindi sa init.
آية رقم 45
Kaya sa alin sa maraming biyaya ni Allāh sa inyo, O kapisanan ng jinn at tao, magpapasinungaling kayong dalawa?
آية رقم 46
At ukol sa nangamba sa pagtayo sa harapan ng Panginoon niya sa Kabilang-buhay - kaya sumampalataya at gumawa ng maayos - ay dalawang hardin.
آية رقم 47
Kaya sa alin sa maraming biyaya ni Allāh sa inyo, O kapisanan ng jinn at tao, magpapasinungaling kayong dalawa?
آية رقم 48
Ang dalawang harding ito ay may maraming sangang malaking luntiang namumunga.
آية رقم 49
Kaya sa alin sa maraming biyaya ni Allāh sa inyo, O kapisanan ng jinn at tao, magpapasinungaling kayong dalawa?
آية رقم 50
Sa dalawang harding ito ay may dalawang bukal na dinadaluyan sa pagitan ng dalawang ito ng tubig.
آية رقم 51
Kaya sa alin sa maraming biyaya ni Allāh sa inyo, O kapisanan ng jinn at tao, magpapasinungaling kayong dalawa?
آية رقم 53

Mga nakasandal sa mga supa na ang aporo ng mga ito ay mula sa makapal na sutla at ang inaaning mga bunga at mga prutas ng dalawang hardin ay malapit: naabot ito ng nakatayo at nakaupo.
آية رقم 55
Kaya sa alin sa maraming biyaya ni Allāh sa inyo, O kapisanan ng jinn at tao, magpapasinungaling kayong dalawa?
Sa mga iyon ay may mga babaing naglimita ng pagtingin ng mga ito sa mga asawa ng mga ito, na hindi nakuha ang pagkabirhen ng mga ito bago ng mga asawa ng mga ito ng isang tao ni ng isang jinn.
آية رقم 57
Kaya sa alin sa maraming biyaya ni Allāh sa inyo, O kapisanan ng jinn at tao, magpapasinungaling kayong dalawa?
آية رقم 58
Para bagang sila ay mga rubi at mga koral sa kagandahan at kabusilakan.
آية رقم 59
Kaya sa alin sa maraming biyaya ni Allāh sa inyo, O kapisanan ng jinn at tao, magpapasinungaling kayong dalawa?
آية رقم 60
Walang iba ang ganti sa sinumang nagmagandang-gawa sa pamamagitan ng pagtalima sa Panginoon niya kundi na gumawa ng maganda si Allāh sa pagganti sa kanya.
آية رقم 61
Kaya sa alin sa maraming biyaya ni Allāh sa inyo, O kapisanan ng jinn at tao, magpapasinungaling kayong dalawa?
آية رقم 62
Sa paanan ng nabanggit na dalawang harding ito ay may dalawang iba pang hardin.
آية رقم 63
Kaya sa alin sa maraming biyaya ni Allāh sa inyo, O kapisanan ng jinn at tao, magpapasinungaling kayong dalawa?
آية رقم 64
Tumingkad nga ang pagkaluntian ng dalawang ito.
آية رقم 65
Kaya sa alin sa maraming biyaya ni Allāh sa inyo, O kapisanan ng jinn at tao, magpapasinungaling kayong dalawa?
آية رقم 66
Sa dalawang harding ito ay may dalawang bukal na matindi ang pagbuga ng tubig, na hindi natitigil ang pagbuga ng tubig ng dalawang ito.
آية رقم 67
Kaya sa alin sa maraming biyaya ni Allāh sa inyo, O kapisanan ng jinn at tao, magpapasinungaling kayong dalawa?
آية رقم 68
Sa dalawang harding ito ay may maraming prutas, mga malaking datiles, at mga granada.
آية رقم 69
Kaya sa alin sa maraming biyaya ni Allāh sa inyo, O kapisanan ng jinn at tao, magpapasinungaling kayong dalawa?
آية رقم 70
Sa mga harding ito ay may mga babaing kaaya-aya ang mga kaasalan, na magaganda ang mga mukha.
آية رقم 71
Kaya sa alin sa maraming biyaya ni Allāh sa inyo, O kapisanan ng jinn at tao, magpapasinungaling kayong dalawa?
آية رقم 72
May mga dilag na itinago sa mga kubol bilang pangangalaga sa kanila.
آية رقم 73
Kaya sa alin sa maraming biyaya ni Allāh sa inyo, O kapisanan ng jinn at tao, magpapasinungaling kayong dalawa?
آية رقم 74
Walang nakalapit sa mga ito - bago ng mga asawa ng mga ito - na isang tao ni isang jinn.
آية رقم 75
Kaya sa alin sa maraming biyaya ni Allāh sa inyo, O kapisanan ng jinn at tao, magpapasinungaling kayong dalawa?
آية رقم 76
Mga nakasandal sa mga unan na nababalot ng mga pambalot na luntian at mga higaang magaganda.
آية رقم 77
Kaya sa alin sa maraming biyaya ni Allāh sa inyo, O kapisanan ng jinn at tao, magpapasinungaling kayong dalawa?
آية رقم 78
Napakadakila at dumami ang kabutihan ng pangalan ng Panginoon mo, ang may kadakilaan, paggawa ng maganda, at kabutihang-loob sa mga lingkod Niya.
تقدم القراءة