ترجمة معاني سورة النبأ باللغة الفلبينية من كتاب الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
مركز تفسير للدراسات القرآنية
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
مركز تفسير للدراسات القرآنية
الناشر
مركز تفسير للدراسات القرآنية
آية رقم 1
ﭑﭒ
ﭓ
Tungkol sa aling bagay nagtatanungan ang mga tagatambal na ito matapos na nagpadala si Allāh sa kanila ng Sugo Niya - basbasan siya ni Allāh at pangalagaan?
آية رقم 2
ﭔﭕﭖ
ﭗ
Nagtatanong sila sa isa't isa sa kanila tungkol sa ulat na dakila. Ito ay ang Qur'ān na ito na pinababa sa Sugo nila na naglalaman ng ulat hinggil sa pagbubuhay.
آية رقم 3
ﭘﭙﭚﭛ
ﭜ
Ang Qur'ān na ito na nagkaiba-iba sila kaugnay sa paglalarawan nila rito kung ito ay panggagaway o tula o panghuhula o mga alamat ng mga sinauna.
آية رقم 4
ﭝﭞ
ﭟ
Ang usapin ay hindi gaya ng inaangkin nila! Makaaalam ang mga tagapasinungaling na ito sa Qur'ān sa kahihinatnan ng pagpapasinungaling nilang masagwa.
آية رقم 5
ﭠﭡﭢ
ﭣ
Pagkatapos ay matitiyak para sa kanila iyon.
آية رقم 6
ﭤﭥﭦﭧ
ﭨ
Hindi ba Kami gumawa sa lupa bilang inilatag para sa kanila na nababagay para sa pagtigil nila sa ibabaw nito?
آية رقم 7
ﭩﭪ
ﭫ
Gumawa Kami sa mga bundok sa ibabaw nito sa kalagayan ng mga tulos na pumipigil dito sa pagkakaalog.
آية رقم 8
ﭬﭭ
ﭮ
At lumikha Kami sa inyo, o tao, na mga uri: kabilang sa inyo ang mga lalaki at ang mga babae.
آية رقم 9
ﭯﭰﭱ
ﭲ
At gumawa Kami sa pagtulog ninyo bilang pagkaputol sa aktibidad upang magpahinga kayo.
آية رقم 10
ﭳﭴﭵ
ﭶ
At gumawa Kami sa gabi bilang tagatakip sa inyo sa pamamagitan ng kadiliman nito tulad ng kasuutan na ipinantatakip ninyo sa mga kahubaran ninyo.
آية رقم 11
ﭷﭸﭹ
ﭺ
At gumawa Kami sa maghapon bilang larangan para sa pagkita at paghahanap ng panustos.
آية رقم 12
ﭻﭼﭽﭾ
ﭿ
At nagpatayo Kami sa ibabaw ninyo ng pitong langit na matibay ang pagkakapatayo, na mahusay ang pagkakayari.
آية رقم 13
ﮀﮁﮂ
ﮃ
At gumawa Kami sa araw bilang sulo na matindi ang pagningas at pagliliwanag.
آية رقم 14
ﮄﮅﮆﮇﮈ
ﮉ
At nagpababa Kami mula sa mga ulat na napapanahon para rito na magpaulan ng tubig na marami ang pagkabuhos
آية رقم 15
ﮊﮋﮌﮍ
ﮎ
upang magpalabas Kami sa pamamagitan nito ng mga uri ng mga butil at mga uri ng halaman
آية رقم 16
ﮏﮐ
ﮑ
at magpalabas Kami sa pamamagitan nito ng mga patanimang nagkakapuluputan dahil sa dami ng pagpapasukan ng mga sanga ng mga puno ng mga ito.
آية رقم 17
ﮒﮓﮔﮕﮖ
ﮗ
Tunay na ang Araw ng Pagpapasya sa pagitan ng mga nilikha ay isang tipanang tinakdaan ng panahon na hindi magpapahuli.
آية رقم 18
ﮘﮙﮚﮛﮜﮝ
ﮞ
sa Araw na iihip ang anghel sa sungay sa ikalawang pag-ihip, at darating kayo, O mga tao, na mga pangkat-pangkat.
آية رقم 19
ﮟﮠﮡﮢ
ﮣ
At bubuksan ang langit, at magkakaroon ito ng mga biyak tulad ng mga pintuang nakabukas.
آية رقم 20
ﮤﮥﮦﮧ
ﮨ
Ginawa ang mga bundok na humayo hanggang sa maging alabok na isinabog, at ang mga ito ay magiging tulad ng isang malikmata.
آية رقم 21
ﮩﮪﮫﮬ
ﮭ
Tunay na ang Impiyerno ay magiging isang tagatambang na nag-aabang,
آية رقم 22
ﮮﮯ
ﮰ
na para sa mga tagalabag sa katarungan ay isang panunumbalıkang manunumbalık sıla roon,
آية رقم 23
ﮱﯓﯔ
ﯕ
na mga mananatıli roon sa mga panahon at mga yugtong walang wakas.
آية رقم 24
ﯖﯗﯘﯙﯚﯛ
ﯜ
Hindi sila makatitikim doon ng isang hanging malamig na magpapalamig sa init ng Liyab para sa kanila, ni makatitikim sila roon ng isang inumin na mamasarapin nila,
آية رقم 25
ﯝﯞﯟ
ﯠ
hindi sila makatitikim maliban sa isang tubig na matindi ang init at isang bagay na dumadaloy mula sa nana ng mga maninirahan sa Apoy
آية رقم 26
ﯡﯢ
ﯣ
bilang ganting naaangkop dahil sa taglay niya noon na kawalang-pananampalataya at pagkaligaw.
آية رقم 27
ﯤﯥﯦﯧﯨ
ﯩ
Tunay na sila noon sa Mundo ay hindi natatakot sa isang pakikipagtuos ni Allāh sa kanila sa Kabilang-buhay dahil sila ay hindi sumasampalataya at pagbubuhay sapagkat kung sakaling sila noon ay nangangamba sa pagkabuhay ay talaga sanang sumampalataya sila kay Allāh at gumawa ng maayos.
آية رقم 28
ﯪﯫﯬ
ﯭ
At nagpasinungaling sila sa mga tanda Naming pinababa sa Sugo Namin nang [tahasang] pagpapasinungaling.
آية رقم 29
ﯮﯯﯰﯱ
ﯲ
At sa bawat bagay kabilang sa mga gawa nila ay nagbusisi Kami at nagbilang Kami, at ito ay nakasulat sa mga pahina ng mga gawa nila.
آية رقم 30
ﯳﯴﯵﯶﯷ
ﯸ
Kaya lumasap kayo, O mga nagpakalabis, nitong pagdurusang mamamalagi sapagkat hindi Kami magdaragdag sa inyo kundi ng pagdurusa pa sa pagdurusa ninyo.
آية رقم 31
ﭑﭒﭓ
ﭔ
Tunay na ukol sa mga tagapangilag magkasala sa Panginoon nila sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya ay pook na magtatamo sila roon ng hinihiling nila, ang Paraiso.
آية رقم 32
ﭕﭖ
ﭗ
ng mga pataniman at mga ubasan,
آية رقم 33
ﭘﭙ
ﭚ
ng mga dilag na mabibilog ang dibdib, na magkakapantay ang gulang,
آية رقم 34
ﭛﭜ
ﭝ
at ng kopa ng alak na puno.
آية رقم 35
ﭞﭟﭠﭡﭢﭣ
ﭤ
Hindi sila makaririnig sa Paraiso ng pananalitang bulaan, hindi sila makaririnig ng kasinungalingan, at hindi sila magsisinungaling sa isa't isa sa kanila.
آية رقم 36
ﭥﭦﭧﭨﭩ
ﭪ
Lahat ng iyon ay kabilang sa ipagkakaloob ni Allāh bilang kabutihang-loob at bigay mula sa Kanya na makasasapat.
آية رقم 37
[mula sa] Panginoon ng mga langit at lupa at Panginoon ng anumang nasa pagitan ng mga ito, ang Napakamaawain ng Mundo at Kabilang-buhay. Hindi nakapangyayari ang lahat ng nasa lupa o langit na humiling sa Kanya maliban kapag nagpahintulot Siya sa kanila.
آية رقم 38
Sa Araw na tatayo si Anghel Gabriel at ang mga anghel nang magkakahanay, hindi sila magsasalita hinggil sa pamamagitan sa isa man maliban sa sinumang nagpahintulot doon ang Napakamaawain na mamagitan iyon, at magsasabi iyon ng tama gaya ng Adhikain ng Tawḥīd.
آية رقم 39
Ang inilarawang iyon sa inyo ay ang Araw na walang pag-aalinlangan na iyon ay magaganap. Kaya ang sinumang nagnais ng kaligtasan doon mula sa pagdurusang dulot ni Allāh ay gumawa siya ng isang landas tungo doon kabilang sa mga gawaing maayos na nagpapalugod sa Panginoon niya.
آية رقم 40
Tunay na Kami ay nagbabala na sa inyo, ] mga tao, ng isang pagdurusang malapit mangyayari, sa Araw na makatitingin ang tao sa anumang ipinauna niya na gawain sa Mundo, at magsasabi ang tagatangging sumampalataya habang nagmimithi ng pagkaalpas mula sa pagdurusa: "O kung sana ako ay naging alabok tulad ng mga hayop kapag sinabi sasabihin sa kanila sa Araw ng Pagbangon: Maging alabok kayo!"
تقدم القراءة