Nagluluwalhati kay Allāh ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa, ang Hari, ang Kabanal-banalan, ang Makapangyarihan, ang Marunong.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Nagpapawalang-kaugnayan kay Allāh sa bawat anumang hindi nababagay sa Kanya kabilang sa mga katangian ng kakulangan at nagpapabanal sa Kanya ang lahat ng nasa mga langit at ang lahat ng nasa lupa na mga nilikha. Siya ay ang Haring namukod-tangi -tanging Siya- sa paghahari, ang pinawalang-kaugnayan sa bawat kakulangan, ang Makapangyarihang walang dumadaig sa Kanya na isa man, ang Marunong sa paglikha Niya, batas Niya, at pagtatakda Niya.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم