Sabihin mo: "Tunay na ang kamatayan na tinatakasan ninyo, tunay na ito ay makikipagkita sa inyo. Pagkatapos ay ibabalik kayo sa Nakaaalam sa Lingid at Hayag, at magbabalita Siya sa inyo hinggil sa dati ninyong ginagawa."
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Sabihin mo, O Sugo, sa mga Hudyong ito: "Tunay na ang kamatayan na tinatakasan ninyo ay makikipagkita sa inyo nang walang pasubali nang maaga o matagal. Pagkatapos ay panunumbalikin kayo sa Araw ng Pagbangon kay Allāh, ang Nakaaalam sa nakalingid at nakalantad: walang naikukubli sa Kanya na anuman sa mga ito, at magpapabatid Siya sa inyo hinggil sa dati ninyong ginagawa sa Mundo, at gaganti sa inyo roon."
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم