ترجمه سوره ماعون به الفلبينية از الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
الناشر
مركز تفسير للدراسات القرآنية
Verse 1
ﭦﭧﭨﭩ
ﭪ
Nakakilala ka ba sa nagpapasinungaling sa pagganti sa Araw ng Pagbangon?
Verse 2
ﭫﭬﭭﭮ
ﭯ
Sapagkat siya ay yaong tumutulak sa ulila nang may kagaspangan palayo sa pangangailangan nito,
Verse 3
ﭰﭱﭲﭳﭴ
ﭵ
at hindi nag-uudyok sa sarili niya at hindi nag-uudyok sa iba sa kanya sa pagpapakain sa maralita.
Verse 4
ﭶﭷ
ﭸ
Kaya kasawian at pagdurusa sa mga nagdarasal,
Verse 5
ﭹﭺﭻﭼﭽ
ﭾ
na sila sa pagdarasal nila ay mga naglilibang, hindi pumapansin dito hanggang sa matapos ang oras nito,
Verse 6
ﭿﮀﮁ
ﮂ
na sila ay nagpapakitang-tao sa pagdarasal nila at mga gawa nila: hindi nagpapakawagas ng gawain nila para kay Allāh,
Verse 7
ﮃﮄ
ﮅ
at nagkakait ng pagtulong sa iba pa sa kanila ng bagay na walang kapinsalaan sa pagtulong sa pamamagitan nito.
تقدم القراءة