ﯛ
surah.translation
.
من تأليف:
مركز تفسير للدراسات القرآنية
.
ﰡ
ﮑ
ﰀ
Ha. Mīm. Nauna na ang pagtatalakay sa mga kahawig ng mga ito sa simula ng Kabanatang Al-Baqarah.
Ang pagbababa ng Qur'ān ay mula kay Allāh, ang Makapangyarihan na hindi nagagapi ng isa man, ang Marunong sa paglikha Niya, pagtatakda Niya, at batas Niya.
Hindi Siya lumikha sa mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito nang walang-kabuluhan. Bagkus lumikha Siya niyon sa kabuuan niyon ayon sa katotohanan dahil sa mga kasanhiang malalim, na kabilang sa mga ito na makilala Siya ng mga tao sa pamamagitan ng mga ito para sumamba sila sa Kanya - tanging sa Kanya - at hindi sila magtambal sa Kanya ng anuman, at upang magsagawa sila ng mga hinihiling ng pagpapahalili sa kanila sa lupa hanggang sa isang taning na tinakdaan, na nakaaalam si Allāh lamang. Ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh ay mga umaayaw sa ibinabala sa kanila sa Aklat ni Allāh, habang hindi pumapansin dito.
Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagatambal na umaayaw na ito sa katotohanan: "Magpabatid kayo tungkol sa mga diyus-diyusang sinasamba ninyo bukod pa kay Allāh kung ano ang nilikha nila na mga bahagi ng lupa? Lumikha ba sila ng mga bundok? Lumikha ba sila ng ilog? O mayroon ba silang pakikitambal at bahagi kasama kay Allāh sa pagkakalikha ng mga langit? Magdala kayo sa akin ng isang aklat na ibinaba mula sa ganang kay Allāh noong wala pa ang Qur'ān o ng isang tira mula sa kaalaman mula sa naiwan ng mga sinauna, kung nangyaring kayo ay mga tapat sa pag-aangkin ninyo na ang mga diyus-diyusan ninyo ay naging karapat-dapat sa pagsamba."
Walang isang higit na ligaw kaysa sa sinumang sumasamba sa anuman, bukod pa kay Allāh, na diyus-diyusan na hindi tumutugon sa panalangin niya hanggang sa Araw ng Pagbangon samantalang ang mga diyus-diyusang ito na sinasamba nila bukod pa kay Allāh ay mga nalilingat sa panalangin ng mga mananamba ng mga ito, paano pa kayang magpapakinabang ang mga ito sa kanila o pipinsala ang mga ito sa kanila?
Kalakip ng pagiging hindi nagpapakinabang ang mga ito sa mga tao sa Mundo, tunay na sila, kapag tinipon sila sa Araw ng Pagbangon, ay magiging mga kaaway para sa dati nilang sinasamba at magpapawalang-kaugnayan ang mga ito sa kanila. Magkakaila ang mga ito na ang mga ito noon ay may kaalaman sa pagsamba nila sa mga ito.
Kapag binibigkas sa kanila ang mga tanda Naming ibinaba sa Sugo Namin ay nagsasabi ang mga tumangging sumampalataya hinggil sa Qur'ān noong dumating ito sa kanila sa pamamagitan ng Sugo Namin: "Ito ay isang panggagaway na maliwanag at hindi isang kasi mula kay Allāh."
O nagsasabi ang mga tagatambal na ito: "Tunay na si Muḥammad ay lumikha-likha ng Qur'ān na ito at nag-ugnay nito kay Allāh." Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Kung lumikha-likha ako nito mula sa pagkukusa ng sarili ko ay hindi kayo makapagdudulot para sa akin ng pampaligtas kung nagnais si Allāh na magdulot sa akin ng pagdurusa kaya papaanong magsasalang ako ng sarili ko sa pagdurusa sa pamamagitan ng paglikha-likha laban sa Kanya? Si Allāh ay higit na nakaaalam sa anumang sinusuong ninyo na paninirang-puri sa Qur'ān Niya at pagtuligsa sa akin. Nakasapat na Siya - kaluwalhatian sa Kanya - bilang saksi sa pagitan ko at sa pagitan ninyo. Siya ay ang Mapagpatawad sa mga pagkakasala ng sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya, ang Maawain sa kanila."
Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagatambal na tagapasinungaling na ito sa pagkapropeta mo: "Ako ay hindi isang unang sugo na ipinadala ni Allāh para magtaka kayo sa paanyaya ko para sa inyo sapagkat may nauna na sa akin na maraming sugo. Hindi ako nakaaalam sa gagawin ni Allāh sa akin at hindi ako nakaaalam sa gagawin Niya sa inyo sa Mundo. Wala akong sinusunod kundi ang ikinakasi ni Allāh sa akin kaya wala akong sinasabi at wala akong ginagawa kundi alinsunod sa ikinakasi Niya. Walang iba ako kundi isang tagababalang nagbababala sa inyo ng pagdurusang dulot ni Allāh, na malinaw ang pagbabala."
Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapasinungaling na ito: "Magpabatid kayo sa akin kung nangyaring ang Qur'ān na ito ay mula sa ganang kay Allāh at tumanggi kayong sumampalataya rito at may sumaksi na isang tagasaksi mula sa mga anak ni Israel na ito ay mula sa ganang kay Allāh, ayon sa pagbatay sa nasaad sa Torah kaugnay rito kaya sumampalataya siya rito samantalang nagmalaki kayo laban sa pagsampalataya rito. Hindi ba kayo, sa sandaling iyon, ay mga tagalabag sa katarungan?" Tunay na si Allāh ay hindi nagtutuon sa katotohanan sa mga taong tagalabag sa katarungan.
Nagsabi ang mga tumangging sumampalataya sa Qur'ān at sa dinala sa kanila ng Sugo sa kanila sa mga sumampalataya: "Kung sakaling nangyaring ang dinala ni Muḥammad ay katotohanang nagpapatnubay sa kabutihan [Qur’ān] na ito ay kabutihan, hindi sana nakauna sa amin dito itong mga maralita, mga alipin, at mga mahina." Dahil sila ay hindi napatnubayan sa dinala sa kanila ng Sugo sa kanila ay magsasabi sila: "Itong dinala niya sa amin ay isang kasinungalingang luma at kami ay hindi sumusunod sa kasinungalingan."
Noong wala pa ang Qur'ān na ito ang Torah ay ang Kasulatan na ibinaba ni Allāh kay Moises -sumakanya ang pangangalaga- bilang isang gabay na tinutularan sa katotohanan at isang awa para sa sinumang sumampalataya rito at sumunod dito mula sa mga anak ni Israel. Ang Qur'ān na ito na ibinaba kay Muḥammad - basbasan siya ni Allāh at pangalagaan - ay Aklat na nagpapatotoo sa nauna rito na mga kasulatan, na nasa wikang Arabe, upang magbabala siya sa pamamagitan nito sa mga lumabag sa katarungan sa sarili nila sa pamamagitan ng pagtatambal kay Allāh at sa pamamagitan ng paggawa ng mga pagsuway. Ito ay isang balitang nakagagalak para sa mga tagagawa ng maganda na nagpaganda ng ugnayan nila sa Tagalikha nila at ugnayan nila sa nilikha Niya.
Tunay na ang mga nagsabi: "Ang Panginoon namin ay si Allāh: walang Panginoon para sa amin na iba pa sa Kanya," pagkatapos ay nagpakatatag sila sa pananampalataya at gawang maayos, ay walang pangamba sa kanila sa kahaharapin nila sa Kabilang-buhay at hindi sila malulungkot sa nakaalpas sa kanila na mga bahagi sa Mundo ni sa naiwan nila sa likuran nila.
Ang mga nailarawang iyon sa mga katangiang iyon ay ang mga mananahan sa Paraiso bilang mga mamamalagi roon magpakailanman bilang isang ganti sa mga gawa nilang maayos na ipinauna nila sa Mundo.
Nag-utos Kami sa tao ng isang utos na binigyang-diin: na gumawa siya ng maganda sa mga magulang niya sa pamamagitan ng pagpapakabuti sa kanilang dalawa sa buhay nilang dalawa at matapos ng pagkamatay nilang dalawa, sa pamamagitan ng anumang walang pagsalungat sa Batas ng Islām, lalo na sa ina niya na nagdalang-tao sa kanya sa hirap at nagsilang sa kanya nito sa hirap. Ang yugto ng pagdadalang-tao sa kanya na ipinamalagi at ang simula ng pag-awat sa kanya ay tatlumpong buwan. Hanggang sa kapag umabot siya sa pagkalubos ng mga kalakasan niyang pangkaisipan at pangkatawan at umabot siya sa apatnapung taong gulang ay nagsabi siya: "Panginoon ko, udyukan Mo ako na magpasalamat ako sa biyaya Mo na ibiniyaya Mo sa akin at sa mga magulang ko, udyukan Mo ako na gumawa ako ng gawang maayos na kalulugdan Mo, tanggapin Mo ito mula sa akin, at magsaayos Ka para sa akin ng mga supling ko. Tunay na ako ay nagbabalik-loob sa Iyo mula sa mga pagkakasala ko at tunay na ako ay kabilang sa mga nagpapaakay sa pagtalima sa iyo at mga sumusuko sa mga utos mo."
Ang mga iyon ay ang mga tatanggap Kami buhat sa kanila ng pinakamaganda sa ginawa nila na mga gawaing maayos at magpapalampas Kami sa mga masagwang gawa nila kaya hindi kami maninisi sa kanila dahil sa mga ito. Sila ay nasa kabuuan ng mga maninirahan sa Paraiso. Ang pangakong ito na ipinangako sa kanila ay pangako ng katapatan na magkakatotoo nang walang pasubali.
Ang nagsabi sa mga magulang niya: "Buwisit kayong dalawa! Nangangako ba kayong dalawa sa akin na palalabasin ako mula sa libingan na isang buhay matapos ng kamatayan ko gayong lumipas na ang maraming salinlahi at namatay ang mga tao sa mga iyon ngunit walang pinabangong buhay na isa man kabilang sa kanila?" Ang mga magulang niya naman ay humihingi ng saklolo mula kay Allāh na patnubayan ang anak nilang dalawa tungo sa pananampalataya samantalang nagsasabi silang dalawa sa anak nila: "Kasawian sa iyo kung hindi ka sumampalataya sa pagbubuhay! Tunay na ang pangako ni Allāh na pagbubuhay ay totoo, walang pag-aatubili dito." Ngunit magsasabi siya habang nag-uulit ng pagkakaila niya sa pagbubuhay: "Walang iba itong sinasabi tungkol sa pagbubuhay kundi isang ipinarating mula sa mga aklat ng mga naunang tao at isinatitik nila, na hindi napatunayang buhat kay Allāh."
Ang mga iyon ay ang mga kinailangan para sa kanila ang pagdurusa sa kabuuan ng mga kalipunan noong wala pa sila, kabilang sa mga jinn at mga tao. Tunay na sila ay magiging mga lugi yayamang nagpalugi sila sa mga sarili nila at mga mag-anak nila dahil sa pagpasok sa Apoy.
Para sa kapwa pangkat, ang pangkat ng Paraiso at ang pangkat ng Impiyerno, ay mga kalagayan alinsunod sa mga gawain nila. Ang mga kalagayan ng mga maninirahan sa Paraiso ay mga antas na mataas at ang mga kalagayan ng mga maninirahan sa Apoy ay mga kababaang mababa, at upang tumumbas sa kanila si Allāh ng ganti sa mga gawa nila habang hindi sila nilalabag sa katarungan sa Araw ng Pagbangon sa pamamagitan ng pagbawas sa mga magandang gawa nila ni sa pagdagdag sa mga masagwang gawa nila.
Sa araw na isasalang sa Apoy ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh at nagpasinungaling sa mga sugo Niya upang pagdusahin doon at sasabihin sa kanila bilang paninisi sa kanila at panunumbat: "Nag-alis kayo ng mga kaaya-aya ninyo sa buhay ninyong pangmundo at nagtamasa kayo rito ng mga minamasarap. Kaya tungkol naman sa araw na ito, gagantihan kayo ng pagdurusa na hahamak sa inyo at mang-aaba sa inyo dahilan sa pagpapakamalaki ninyo sa lupa nang walang karapatan at dahilan sa paglabas ninyo sa pagtalima kay Allāh dahil sa kawalang-pananampalataya at mga pagsuway."
Banggitin mo, O Sugo, si Hūd na kapatid ng `Ād sa kaangkanan noong nagbabala siya sa mga kalipi niya laban sa pagdurusang dulot ni Allāh sa kanila samantalang sila ay nasa mga tahanan nila sa Al-Aḥqāf sa dakong Timog ng Peninsula ng Arabya. Nagdaan na ang mga sugo na mga nagbabala sa mga tao nila bago niya at matapos niya, na mga nagsasabi sa mga tao nila: "Huwag kayong sumamba malibang kay Allāh - tanging sa Kanya, kaya huwag kayong sumamba kasama sa Kanya ng iba pa sa Kanya; tunay na ako ay nangangamba para sa inyo, O mga kalipi ko, sa pagdurusa sa isang araw na sukdulan, ang Araw ng Pagbangon."
Nagsabi sa kanya ang mga kalipi niya: "Dumating ka ba sa amin upang magpalayo ka sa amin sa pagsamba sa mga diyos namin? Hindi mangyayari sa iyo iyon. Kaya maglahad ka sa amin ng ipinangangako mo sa amin na pagdurusa, kung ikaw ay naging tapat sa inaangkin mo."
Nagsabi siya: "Ang kaalaman sa oras ng pagdurusa ay nasa ganang kay Allāh lamang. Ako ay walang kaalaman hinggil doon. Ako ay isang sugong nagpapaabot lamang sa inyo ng ipinasugo sa akin sa inyo. Subalit ako ay nakakikita sa inyo bilang mga taong nagpapakamangmang sa may kapakinabangan sa inyo kaya iniiwan ninyo ito at sa may kapinsalaan sa inyo kaya ginagawa ninyo ito."
Kaya noong dumating sa kanila ang minadali nila na pagdurusa at nakakita sila niyon na isang ulap na humaharang sa dako ng langit na nakaharap sa mga lambak nila ay nagsabi sila: "Ito ay isang ulap na magpapatama sa atin ng ulan." Nagsabi sa kanila si Hūd: "Ang usapin ay hindi gaya ng ipinagpalagay ninyo na iyon ay ulap na magpapaulan sa inyo; bagkus iyon ay ang pagdurusang minadali ninyo at iyon ay hanging sa loob nito ay isang pagdurusang nakasasakit."
Wawasak ito sa bawat bagay na dinaanan nito kabilang sa ipinag-utos ni Allāh na ipasawi kaya sila ay magiging mga sawi. Walang makikita kundi ang mga bahay nila na sila noon ay nakatira sa mga iyon bilang mga saksi sa kairalan nila sa mga iyon noon. Tulad ng ganting nakasasakit na ito gaganti sa mga salaring nagpupumilit sa kawalang-pananampalataya nila at mga pagsuway nila.
Talaga ngang nagbigay Kami sa mga kalipi ni Hūd ng mga kadahilanan ng kakayahan na hindi Kami nagbigay sa inyo niyon. Gumawa Kami para sa kanila ng mga pandinig na ipinandidinig nila, mga paningin na ipinantitingin nila, at mga puso na ipinang-uunawa nila ngunit hindi nakapagdulot sa kanila ang mga pandinig nila ni ang mga paningin nila ni ang mga isip nila ng anuman sapagkat ang mga ito ay hindi nakapagtulak palayo sa kanila ng pagdurusang dulot ni Allāh noong dumating ito sa kanila yayamang sila dati ay tumatangging sumampalataya sa mga tanda ni Allāh. Bababa sa kanila ang dati nilang kinukutya na pagdurusang ipinangamba sa kanila ng propeta nilang si Hūd - sumakanya ang pangangalaga.
Talaga ngang nagpasawi Kami sa nasa paligid ninyo, O mga mamamayan ng Makkah, na mga pamayanan sapagkat nagpasawi Kami sa `Ād, Thamūd, mga kababayan ni Lot, at mga mamamayan ng Madyan; at nagsarisari Kami para sa kanila ng mga katwiran at mga patotoo sa pag-asang manumbalik sila palayo sa kawalang-pananampalataya nila.
Kaya bakit kaya hindi nag-adya sa kanila ang mga diyus-diyusang ginawa nilang mga diyos bukod pa kay Allāh, na nagpapakalapit sila sa mga ito sa pamamagitan ng pagsamba at pag-aalay? Hindi nag-adya ang mga ito sa kanila nang tiyakan, bagkus nawala ang mga ito sa kanila noong pinakakailangan nila ang mga ito. Iyon ay kasinungalingan nila at paggawa-gawa nila na minithi ng mga sarili nila na ang mga diyus-diyusang ito ay magpakinabang sa kanila at mamagitan para sa kanila sa kay Allāh.
At banggitin mo, O Sugo, nang nagsugo Kami sa iyo ng isang pangkat ng mga jinn na nakikinig sa Qur’ān na ibinaba sa iyo, at noong dumalo sila para makinig niyon ay nagsabi ang iba sa kanila sa iba pa: "Tumahimik kayo upang makaya nating makinig doon." Kaya noong nagwakas ang Sugo - basbasan siya ni Allāh at pangalagaan - sa pagbigkas niya ay bumalik sila sa mga kalahi nila upang magbabala sila sa mga iyon laban sa pagdurusang dulot ni Allāh kung hindi sila sumampalataya sa Qur'ān na ito.
Nagsabi sila sa mga iyon: "O mga kalahi namin, tunay na kami ay nakapakinig sa isang Aklat na ibinaba ni Allāh noong wala na si Moises, na nagpapatotoo sa nauna rito na mga kasulatang ibinaba mula sa ganang kay Allāh. Ang Aklat na itong narinig namin ay gumagabay tungo sa katotohanan at nagpapatnubay tungo sa isang daang tuwid, ang daan ng Islām.
O mga kalahi namin, sumagot kayo kay Muḥammad sa ipinaanyaya nito sa inyo na katotohanan at sumampalataya kayo rito na ito ay isang sugo mula sa Panginoon nito, magpapatawad sa inyo si Allāh sa mga pagkakasala ninyo at magliligtas Siya sa inyo laban sa isang pagdurusang nakasasakit na naghihintay sa inyo kapag hindi kayo sumagot sa ipinaanyaya nito sa inyo na katotohanan at hindi kayo sumampalataya rito na ito ay isang sugo mula sa Panginoon nito.
Ang sinumang hindi sumagot kay Muḥammad - basbasan siya ni Allāh at pangalagaan - sa ipinaanyaya niyon na katotohanan hindi makalulusot kay Allāh sa pagtakas sa lupa at hindi ito magkakaroon bukod pa sa Kanya ng mga katangkilik na sasagip dito mula sa pagdurusa. Ang mga iyon ay nasa isang pagkaligaw, palayo sa katotohanan, na maliwanag.
Hindi ba napag-alaman nitong mga tagatambal at mga tagapasinungaling sa pagbubuhay na si Allāh na lumikha sa mga langit at lumikha sa lupa at hindi nawalang-kakayahan sa paglikha sa mga ito sa kabila ng kalakihan ng mga ito at kalawakan ng mga ito ay nakakakaya na magbigay-buhay sa mga patay para sa pagtutuos at pagganti? Oo; tunay na Siya ay talagang nakakakaya sa pagbibigay-buhay sa kanila. Tunay na Siya sa bawat bagay ay May-kakayahan sapagkat hindi Siya nawawalang-kakayahan sa pagbibigay-buhay sa mga patay.
Sa araw na isasalang sa Apoy ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh at sa mga sugo Niya upang pagdusahin doon at sasabihin bilang paninisi sa kanila: "Hindi ba itong nasasaksihan ninyo na pagdurusa ay katotohanan, o na ito ay kasinungalingan gaya ng dati ninyong sinasabi sa Mundo?" Magsasabi sila: "Opo; sumpa man sa Panginoon namin, tunay na ito ay talagang katotohanan." Kaya sasabihin sa kanila: "Lasapin ninyo ang pagdurusa dahilan sa kawalang-pananampalataya ninyo kay Allāh."
Kaya magtiis ka, O Sugo, sa pagpapasinungaling ng mga kababayan mo sa iyo tulad ng pagtitiis ng mga may pagtitika kabilang sa mga sugo na sina Noe, Abraham, Moises, at Hesus - sumakanila ang pangangalaga - at huwag kang magmadali para sa kanila ng pagdurusa. Para bang ang mga tagapasinungaling kabilang sa mga kababayan mo, sa araw na makikita nila ang ipinangangako sa kanila na pagdurusa sa Kabilang-buhay, ay hindi nanatili sa Mundo kundi isang yugto mula sa maghapon dahil sa haba ng pagdurusa nila. Ang Qur'ān na ito na ibinaba kay Muḥammad - basbasan siya ni Allāh at pangalagaan - ay isang pagpapaabot at isang kasapatan para sa tao at jinn kaya walang pasasawiin sa pamamagitan ng pagdurusa kundi ang mga taong lumalabas sa pagtalima kay Allāh sa pamamagitan ng kawalang-pananampalataya at mga pagsuway.