زُيِّنَ لِلنَّاسِ حُبُّ ٱلشَّهَوَٰتِ مِنَ ٱلنِّسَآءِ وَٱلۡبَنِينَ وَٱلۡقَنَٰطِيرِ ٱلۡمُقَنطَرَةِ مِنَ ٱلذَّهَبِ وَٱلۡفِضَّةِ وَٱلۡخَيۡلِ ٱلۡمُسَوَّمَةِ وَٱلۡأَنۡعَٰمِ وَٱلۡحَرۡثِۗ ذَٰلِكَ مَتَٰعُ ٱلۡحَيَوٰةِ ٱلدُّنۡيَاۖ وَٱللَّهُ عِندَهُۥ حُسۡنُ ٱلۡمَـَٔابِ ١٤
Al-Imran 3:14
سورة آل عمران
Medinan
Verse: 14/200
Page 51
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Ipinaakit para sa mga tao ang pagkaibig sa mga ninanasa gaya ng mga babae, mga anak, bunton-bunton na nakabuntong ginto at pilak, mga kabayong tinatakan, mga hayupan, at sakahan. Iyon ay ang natatamasa sa buhay na pangmundo samantalang si Allāh ay taglay Niya ang magandang uwian. -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Nagpapabatid si Allāh - pagkataas-taas Siya - na Siya ay nagpaganda para sa mga tao, bilang pagsubok para sa kanila, sa pagkaibig sa mga ninanasang pangmundo tulad ng mga babae, mga anak, maraming kayamanang naipon gaya ng ginto at pilak, mga kabayong tinatakan na magaganda, mga hayupan gaya ng mga kamelyo, mga baka at mga tupa, at pagsasaka sa lupa. Iyon ay ang natatamasa sa pangmundong buhay na tinatamasa sa isang yugto. Pagkatapos ay maglalaho ito kaya hindi nararapat para sa mananampalataya na mahumaling dito samantalang si Allāh ay taglay Niya - tanging Siya - ang magandang pinanunumbalikan, ang Paraiso na ang luwang nito ay ang pagitan ng mga langit at lupa.
Al-Imran 3:14
Loading the recitation…
0:00