يَٰنِسَآءَ ٱلنَّبِيِّ لَسۡتُنَّ كَأَحَدࣲ مِّنَ ٱلنِّسَآءِ إِنِ ٱتَّقَيۡتُنَّۚ فَلَا تَخۡضَعۡنَ بِٱلۡقَوۡلِ فَيَطۡمَعَ ٱلَّذِي فِي قَلۡبِهِۦ مَرَضࣱ وَقُلۡنَ قَوۡلࣰا مَّعۡرُوفࣰا ٣٢
AlAhzab 33:32
سورة الأحزاب
Medinan
Verse: 32/73
Page 422
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
O mga asawa ng Propeta, hindi kayo gaya ng isa sa mga babae. Kung nangilag kayong magkasala ay huwag kayong magmalamyos sa pagsabi sapagkat baka magmithi ang sa puso niya, ay may karamdaman. Magsabi kayo ng isang pananalitang nakabubuti. -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
O mga asawa ni Propeta Muḥammad - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - hindi kayo tulad ng nalalabi sa mga babae sa kalamangan at karangalan, bagkus kayo, sa kalamangan at karangalan, ay nasa antas na hindi mararating ng iba pa sa inyo. Kung sumunod kayo sa mga ipinag-uutos ni Allāh at umiwas kayo sa mga sinasaway Niya ay huwag kayong magmalambot sa pagsasalita at huwag kayong magpakabanayad sa tinig kapag nakipag-usap kayo sa mga di-kaanu-ano na mga lalaki sapagkat baka magmithi dahilan doon ang sinumang sa puso niya ay may karamdaman ng pagpapaimbabaw at pagnanasa sa ipinagbabawal. Magsabi kayo ng isang pananalitang malayo sa mapag-aalinlanganan sa pamamagitan ng pagiging seryoso hindi nagbibiro sa abot ng pangangailangan.
AlAhzab 33:32
Loading the recitation…
0:00