وَقَرۡنَ فِي بُيُوتِكُنَّ وَلَا تَبَرَّجۡنَ تَبَرُّجَ ٱلۡجَٰهِلِيَّةِ ٱلۡأُولَىٰۖ وَأَقِمۡنَ ٱلصَّلَوٰةَ وَءَاتِينَ ٱلزَّكَوٰةَ وَأَطِعۡنَ ٱللَّهَ وَرَسُولَهُۥٓۚ إِنَّمَا يُرِيدُ ٱللَّهُ لِيُذۡهِبَ عَنكُمُ ٱلرِّجۡسَ أَهۡلَ ٱلۡبَيۡتِ وَيُطَهِّرَكُمۡ تَطۡهِيرࣰا ٣٣
AlAhzab 33:33
سورة الأحزاب
Medinan
Verse: 33/73
Page 422
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Manatili kayo sa mga bahay ninyo at huwag kayong magtanghal ng pagtatanghal ng unang Panahon ng Kamangmangan. Magpanatili kayo ng pagdarasal, magbigay kayo ng Zakāh, at tumalima kayo kay Allāh at sa Sugo Niya. Nagnanais lamang si Allāh na mag-alis sa inyo ng karumihan, O mga tao ng bahay, at magdalisay sa inyo nang isang pagdadalisay. -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Mamalagi kayo sa mga bahay ninyo kaya huwag kayong lumabas mula sa mga ito nang walang pangangailangan at huwag kayong maglantad ng mga ganda ninyo gaya ng gawain ng mga babae bago ng Islām yayamang sila noon ay nagpapakita ng mga iyon bilang pang-aakit sa mga lalaki. Magsagawa kayo ng pagdarasal ayon sa pinakalubos na paraan, magbigay kayo ng Zakāh ng mga yaman ninyo, at tumalima kayo kay Allāh at sa Sugo Niya. Nagnanais lamang si Allāh - kaluwalhatian sa Kanya - na mag-alis sa inyo ng nakasasakit at kasagwaan, O mga maybahay ng Sugo ni Allāh at mga tao ng bahay nito. Nagnanais Siya na magdalisay sa mga kaluluwa ninyo sa pamamagitan ng paggagayak sa mga ito ng mga mahusay sa mga kaasalan at paghuhubad sa mga ito ng mga mababa sa mga kaasalan bilang isang pagdadalisay na lubos, na walang matitira matapos niyon na isang karumihan.
AlAhzab 33:33
Loading the recitation…
0:00