وَٱذۡكُرُوٓاْ إِذۡ أَنتُمۡ قَلِيلࣱ مُّسۡتَضۡعَفُونَ فِي ٱلۡأَرۡضِ تَخَافُونَ أَن يَتَخَطَّفَكُمُ ٱلنَّاسُ فَـَٔاوَىٰكُمۡ وَأَيَّدَكُم بِنَصۡرِهِۦ وَرَزَقَكُم مِّنَ ٱلطَّيِّبَٰتِ لَعَلَّكُمۡ تَشۡكُرُونَ ٢٦
Al-Anfal 8:26
سورة الأنفال
Medinan
Verse: 26/75
Page 180
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Banggitin ninyo noong kayo ay kaunti na mga sinisiil sa lupa, na nangangamba kayo na daklutin kayo ng mga tao, ngunit kinanlong Niya kayo, inayudahan Niya sa pamamagitan ng pag-aadya Niya, at tinustusan Niya kayo mula sa mga kaaya-ayang bagay nang sa gayon kayo ay magpapasalamat. -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Banggitin ninyo, O mga mananampalataya, nang kayo sa Makkah ay kaunti ang bilang, habang sinisiil kayo ng mga naninirahan doon at nilulupig kayo. Nangangamba kayo na kunin kayo ng mga kaaway nang mabilis, ngunit pinagbuklod kayo ni Allāh sa isang kanlungang pinagkakanlungan ninyo; ang Madīnah, pinalakas Niya kayo sa pamamagitan ng pag-aadya laban sa mga kaaway ninyo sa mga pook ng digmaan, na kabilang sa mga ito ang Badr, at tinustusan Niya kayo mula sa mga kaaya-ayang bagay, na kabilang sa kabuuan ng mga ito ay ang mga samsam sa digmaan na nakuha ninyo sa mga kaaway ninyo, nang sa gayon kayo ay magpapasalamat kay Allāh sa mga biyaya Niya para magdagdag Siya sa inyo sa mga ito. Huwag kayong tumangging pasalamatan ang mga ito para hindi kunin ang mga ito sa inyo at parusahan kayo.
Al-Anfal 8:26
Loading the recitation…
0:00