وَجَٰوَزۡنَا بِبَنِيٓ إِسۡرَٰٓءِيلَ ٱلۡبَحۡرَ فَأَتَوۡاْ عَلَىٰ قَوۡمࣲ يَعۡكُفُونَ عَلَىٰٓ أَصۡنَامࣲ لَّهُمۡۚ قَالُواْ يَٰمُوسَى ٱجۡعَل لَّنَآ إِلَٰهࣰا كَمَا لَهُمۡ ءَالِهَةࣱۚ قَالَ إِنَّكُمۡ قَوۡمࣱ تَجۡهَلُونَ ١٣٨
Al-A'raf 7:138
سورة الأعراف
Meccan
Verse: 138/206
Page 167
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Nagpatawid Kami sa mga angkan ni Israel sa dagat at napunta sila sa mga taong namamalagi sa pagsamba sa mga anito para sa mga ito. Nagsabi sila: "O Moises, gumawa ka para sa amin ng isang diyos kung paanong mayroon silang mga diyos." Nagsabi siya: "Tunay na kayo ay mga taong nagpapakamangmang." -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Nagpatawid Kami sa mga anak ni Israel sa dagat noong hinampas ito ni Moises ng tungkod niya at nabiyak. Napadaan sila sa mga taong namamalagi sa pagsamba sa mga anito, na sinasamba ng mga ito bukod pa kay Allāh. Kaya nagsabi ang mga anak ni Israel kay Moises - sumakanya ang pangangalaga: "O Moises, gumawa ka para sa amin ng isang anitong sasambahin namin kung paanong sila ay mayroong mga anitong sinasamba bukod pa kay Allāh." Nagsabi si Moises sa kanila: "O mga kalipi ko, tunay na kayo ay mga taong nagpapakamangmang sa anumang kinakailangan kay Allāh na pagdakila at paniniwala sa kaisahan Niya at anumang hindi naaangkop sa Kanya na pagtatambal sa Kanya at pagsamba sa iba pa sa Kanya."
Al-A'raf 7:138
Loading the recitation…
0:00