وَإِذَا لَمۡ تَأۡتِهِم بِـَٔايَةࣲ قَالُواْ لَوۡلَا ٱجۡتَبَيۡتَهَاۚ قُلۡ إِنَّمَآ أَتَّبِعُ مَا يُوحَىٰٓ إِلَيَّ مِن رَّبِّيۚ هَٰذَا بَصَآئِرُ مِن رَّبِّكُمۡ وَهُدࣰى وَرَحۡمَةࣱ لِّقَوۡمࣲ يُؤۡمِنُونَ ٢٠٣
Al-A'raf 7:203
سورة الأعراف
Meccan
Verse: 203/206
Page 176
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Kapag hindi ka nagdala sa kanila ng isang tanda ay nagsasabi sila: "Bakit hindi ka kasi gumawa-gawa nito." Sabihin mo: "Sinusunod ko lamang ang isinisiwalat sa akin mula sa Panginoon ko. Ito ay mga patunay mula sa Panginoon ninyo, patnubay, at awa para sa mga taong sumasampalataya." -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Kapag naghatid ka, O Sugo, ng isang tanda ay nagpapasinungaling sila sa iyo at umaayaw roon. Kung hindi ka nagdala sa kanila ng isang tanda ay magsasabi sila: "Bakit hindi ka kasi umimbento ng isang talata mula sa ganang iyo at gumawa-gawa nito." Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Hindi ukol sa akin na maghatid ng isang talata mula sa pagkukusa ng sarili ko at wala akong sinusunod kundi ang isinisiwalat ni Allāh sa akin, itong Qur'ān na binibigkas ko sa inyo bilang mga katwiran at mga patotoo mula kay Allāh, ang Tagapaglikha ninyo at ang Tagapangasiwa ng mga kapakanan ninyo, at bilang paggagabay at awa para sa mga mananampalataya kabilang sa mga lingkod Niya. Ang mga hindi mananampalataya naman, sila ay mga naliligaw at mga miserable."
Al-A'raf 7:203
Loading the recitation…
0:00