ٱللَّهُ يَسۡتَهۡزِئُ بِهِمۡ وَيَمُدُّهُمۡ فِي طُغۡيَٰنِهِمۡ يَعۡمَهُونَ ١٥
Al-Baqarah 2:15
سورة البقرة
Medinan
Verse: 15/286
Page 3
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Si Allāh ay nangungutya sa kanila at nagpapalawig sa kanila sa pagmamalabis nila habang nag-aapuhap sila. -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Si Allāh ay nangungutya sa kanila bilang pantapat sa pangungutya nila sa mga mananampalataya, bilang ganti sa kanila na kauri ng gawain nila. Dahil dito, nagpatupad Siya sa kanila ng mga patakaran sa mga Muslim sa Mundo, at sa Kabilang-buhay naman ay gaganti Siya sa kanila sa kawalang-pananampalataya nila at pagpapaimbabaw nila. Gayon din, nagpapalugit Siya sa kanila upang magpatuloy sila sa pagkaligaw nila at pagmamalabis nila para manatili sila na mga nalilitong nag-aatubili.
Al-Baqarah 2:15
Loading the recitation…
0:00