۞ قَالَتِ ٱلۡأَعۡرَابُ ءَامَنَّاۖ قُل لَّمۡ تُؤۡمِنُواْ وَلَٰكِن قُولُوٓاْ أَسۡلَمۡنَا وَلَمَّا يَدۡخُلِ ٱلۡإِيمَٰنُ فِي قُلُوبِكُمۡۖ وَإِن تُطِيعُواْ ٱللَّهَ وَرَسُولَهُۥ لَا يَلِتۡكُم مِّنۡ أَعۡمَٰلِكُمۡ شَيۡـًٔاۚ إِنَّ ٱللَّهَ غَفُورࣱ رَّحِيمٌ ١٤
Al-Hujurat 49:14
سورة الحجرات
Medinan
Verse: 14/18
Page 517
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Nagsabi ang mga Arabeng disyerto: "Sumampalataya kami." Sabihin mo: "Hindi kayo sumampalataya, bagkus sabihin ninyo: 'Nagpasakop kami.’ Hindi pa pumasok ang pananampalataya sa mga puso ninyo. Kung tatalima kayo kay Allāh at sa Sugo Niya ay hindi Siya babawas sa inyo mula sa mga gawa ninyo ng anuman. Tunay na si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain." -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Nagsabi ang ilan sa mga nakatira sa ilang noong pumunta sila sa Propeta - basbasan siya ni Allāh at pangalagaan: "Sumampalataya kami kay Allāh at sa Sugo Niya." Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Hindi kayo sumampalataya, bagkus sabihin ninyo: 'Sumuko kami at nagpaakay kami.’ Hindi pa pumasok ang pananampalataya sa mga puso ninyo, ngunit inaasahan para rito na pumasok sa mga puso. Kung tatalima kayo, O mga Arabeng disyerto, kay Allāh at sa Sugo Niya sa pananampalataya, gawang maayos, at pag-iwas sa mga ipinagbabawal, hindi magbabawas si Allāh ng anuman mula sa gantimpala ng mga gawa ninyo. Tunay na si Allāh ay Mapagpatawad sa sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya, Maawain sa kanila."
Al-Hujurat 49:14
Loading the recitation…
0:00