يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ عَلَيۡكُمۡ أَنفُسَكُمۡۖ لَا يَضُرُّكُم مَّن ضَلَّ إِذَا ٱهۡتَدَيۡتُمۡۚ إِلَى ٱللَّهِ مَرۡجِعُكُمۡ جَمِيعࣰا فَيُنَبِّئُكُم بِمَا كُنتُمۡ تَعۡمَلُونَ ١٠٥
Al-Ma'idah 5:105
سورة المائدة
Medinan
Verse: 105/120
Page 125
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
O mga sumampalataya, tungkulin ninyo ang mga sarili ninyo. Hindi kayo napipinsala ng sinumang naligaw kapag napatnubayan kayo. Tungo kay Allāh ang balikan ninyo sa kalahatan at magbabalita Siya sa inyo ng anumang ginagawa ninyo noon. -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
O mga sumampalataya, tungkulin ninyo ang mga sarili ninyo kaya obligahin ninyo ang mga ito ng pagsasagawa sa anumang nagpapabuti rito. Hindi kayo napipinsala ng sinumang naligaw sa mga tao at hindi tumugon sa inyo kapag napatnubayan kayo mismo. Bahagi ng pagkapatnubay ninyo ang pag-uutos ninyo sa nakabubuti at ang pagsaway ninyo sa nakasasama. Tungo kay Allāh - tanging sa Kanya - ang pagbabalik ninyo sa Araw ng Pagbangon, at magbabalita Siya sa inyo ng anumang ginagawa ninyo noon sa Mundo at gagantihan Niya kayo roon.
Al-Ma'idah 5:105
Loading the recitation…
0:00