وَيُسَبِّحُ ٱلرَّعۡدُ بِحَمۡدِهِۦ وَٱلۡمَلَٰٓئِكَةُ مِنۡ خِيفَتِهِۦ وَيُرۡسِلُ ٱلصَّوَٰعِقَ فَيُصِيبُ بِهَا مَن يَشَآءُ وَهُمۡ يُجَٰدِلُونَ فِي ٱللَّهِ وَهُوَ شَدِيدُ ٱلۡمِحَالِ ١٣
Ar-Ra'd 13:13
سورة الرعد
Medinan
Verse: 13/43
Page 250
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Nagluluwalhati ang kulog kalakip ng pagpupuri sa Kanya at ang mga anghel dahil sa pangangamba sa Kanya. Nagpapadala Siya ng mga lintik at nagpapatama Siya nito sa sinumang niloloob Niya habang sila ay nagtatalo hinggil kay Allāh gayong Siya ay matindi ang kapangyarihan. -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Nagluluwalhati ang kulog sa Panginoon nito ayon sa pagluluwalhating nakaugnay sa pagpupuri sa Kanya - napakamaluwalhati Niya - at nagluluwalhati ang mga anghel sa Panginoon nila dahil sa pangamba sa Kanya, pagpipitagan, at pagdakila sa Kanya. Nagpapadala si Allāh ng mga lintik na nanununog sa sinumang niloloob Niya sa mga nilikha Niya kaya nakapagpapahamak Siya rito habang ang mga tagatangging sumampalataya ay naghihidwaan hinggil sa kaisahan Niya gayong Siya ay matindi ang kapangyarihan at ang lakas sa sinumang sumuway sa Kanya.
Ar-Ra'd 13:13
Loading the recitation…
0:00