لَهُۥ دَعۡوَةُ ٱلۡحَقِّۚ وَٱلَّذِينَ يَدۡعُونَ مِن دُونِهِۦ لَا يَسۡتَجِيبُونَ لَهُم بِشَيۡءٍ إِلَّا كَبَٰسِطِ كَفَّيۡهِ إِلَى ٱلۡمَآءِ لِيَبۡلُغَ فَاهُ وَمَا هُوَ بِبَٰلِغِهِۦۚ وَمَا دُعَآءُ ٱلۡكَٰفِرِينَ إِلَّا فِي ضَلَٰلࣲ ١٤
Ar-Ra'd 13:14
سورة الرعد
Medinan
Verse: 14/43
Page 251
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Ukol sa Kanya ang panalangin ng totoo samantalang ang mga dumadalangin sa halip sa Kanya ay hindi tumutugon sa kanila sa anuman kundi gaya ng nag-aabot ng mga palad niya sa tubig upang umabot ito sa bibig niya gayong ito ay hindi aabot doon. Walang iba ang panalangin ng mga tagatangging sumampalataya kundi nasa pagkaligaw. -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Ukol kay Allāh - tanging sa Kanya - ang panawagan ng Monoteismo, walang nakikihati sa Kanya roon na isa man samantalang ang mga rebultong dinadalanginan ng mga tagapagtambal sa halip sa Kanya ay hindi tumutugon sa panalangin ng dumadalangin sa kanila sa anumang hiling. Walang iba ang panalangin nila sa mga ito kundi tulad ng uhaw na nag-aabot ng kamay niya sa tubig upang umabot ito sa bibig niya para uminom mula rito gayong ang tubig ay hindi aabot sa bibig niya. Walang iba ang panalangin ng mga tagatangging sumampalataya sa mga rebulto nila kundi nasa isang pagkawala at isang pagkalayo sa tama dahil ang mga ito ay hindi nakakakayang magdulot ng pakinabang para sa kanila ni magtulak ng pinsala.
Ar-Ra'd 13:14
Loading the recitation…
0:00