قُل لِّلَّهِ ٱلشَّفَٰعَةُ جَمِيعࣰاۖ لَّهُۥ مُلۡكُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۖ ثُمَّ إِلَيۡهِ تُرۡجَعُونَ ٤٤
Az-Zumar 39:44
سورة الزمر
Meccan
Verse: 44/75
Page 463
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Sabihin mo: "Kay Allāh ang [pagpapahintulot sa] pamamagitan sa kalahatan. Sa Kanya ang paghahari sa mga langit at lupa. Pagkatapos ay sa Kanya kayo panunumbalikin." -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagatambal na ito: "Kay Allāh mag-isa ang [pagpapahintulot sa] pamamagitan sa kabuuan nito, kaya walang mamamagitan sa ganang Kanya na isa man malibang may pahintulot Niya at hindi ito mamamagitan maliban sa sinumang kinalugdan Niya. Sa Kanya mag-isa ang paghahari sa mga langit at lupa. Pagkatapos ay sa Kanya mag-isa kayo panunumbalikin sa Araw ng Pagbangon para sa pagtutuos at pagganti sapagkat gaganti Siya sa kanila sa mga gawa nila."
Az-Zumar 39:44
Loading the recitation…
0:00