وَقَالُواْ ٱلۡحَمۡدُ لِلَّهِ ٱلَّذِي صَدَقَنَا وَعۡدَهُۥ وَأَوۡرَثَنَا ٱلۡأَرۡضَ نَتَبَوَّأُ مِنَ ٱلۡجَنَّةِ حَيۡثُ نَشَآءُۖ فَنِعۡمَ أَجۡرُ ٱلۡعَٰمِلِينَ ٧٤
Az-Zumar 39:74
سورة الزمر
Meccan
Verse: 74/75
Page 466
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Magsasabi sila: "Ang papuri ay ukol kay Allāh na nagtotoo sa amin ng pangako Niya at nagpamana sa amin ng lupa. Manunuluyan kami sa Paraiso saanman namin loloobin. Kay inam ang pabuya sa mga tagagawa!" -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Magsasabi ang mga mananampalataya noong nakapasok sila sa Paraiso: "Ang papuri ay ukol kay Allāh na nagtotoo sa amin ng pangako Niyang ipinangako Niya ayon sa pananalita ng mga sugo Niya sapagkat nangako Siya sa amin na magpapasok sa amin sa Paraiso. Nagpamana Siya sa amin ng lupa ng Paraiso; manunuluyan kami mula roon sa pook na loloobin namin na manuluyan sapagkat kay inam ang pabuya sa mga tagagawa na gumagawa ng mga gawaing matuwid sa paghahangad ng [ikasisiya ng] mukha ng Panginoon nila."
Az-Zumar 39:74
Loading the recitation…
0:00