ٱلۡحَمۡدُ لِلَّهِ فَاطِرِ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ جَاعِلِ ٱلۡمَلَٰٓئِكَةِ رُسُلًا أُوْلِيٓ أَجۡنِحَةࣲ مَّثۡنَىٰ وَثُلَٰثَ وَرُبَٰعَۚ يَزِيدُ فِي ٱلۡخَلۡقِ مَا يَشَآءُۚ إِنَّ ٱللَّهَ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءࣲ قَدِيرࣱ ١
Fatir 35:1
سورة فاطر
Meccan
Verse: 1/45
Page 434
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Ang papuri ay ukol kay Allāh, ang Tagapaglalang ng mga langit at lupa, Tagagawa sa mga anghel bilang mga sugo na may mga pakpak na dalawahan, tatluhan, at apatan. Nagdaragdag Siya sa paglikha ng anumang niloloob Niya. Tunay na si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan. -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Ang papuri ay ukol kay Allāh, ang Tagalikha ng mga langit at lupa ayon sa walang pagkakatulad na nauna, na gumawa mula sa mga anghel bilang mga sugong nagpapatupad sa mga utos Niya pang-itinakda Mayroon sa kanila na nagpapaabot sa mga propeta ng kasi at nagpalakas sa mga iyon sa pagganap sa ipinagkatiwala sa mga iyon. Mayroon sa kanilang may dalawang pakpak, may tatlo, at may apat, na lumilipad sila sa pamamagitan nito upang magpatupad sa ipinag-utos ni Allāh. Nagdaragdag si Allāh sa paglikha ng anumang niloloob Niya ng anumang bahagi ng katawan o kagandahan o tinig. Tunay na si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan: walang nakapagpapawalang-kakayahan sa Kanya na anuman.
Fatir 35:1
Loading the recitation…
0:00