مَن كَانَ يُرِيدُ ٱلۡعِزَّةَ فَلِلَّهِ ٱلۡعِزَّةُ جَمِيعًاۚ إِلَيۡهِ يَصۡعَدُ ٱلۡكَلِمُ ٱلطَّيِّبُ وَٱلۡعَمَلُ ٱلصَّٰلِحُ يَرۡفَعُهُۥۚ وَٱلَّذِينَ يَمۡكُرُونَ ٱلسَّيِّـَٔاتِ لَهُمۡ عَذَابࣱ شَدِيدࣱۖ وَمَكۡرُ أُوْلَٰٓئِكَ هُوَ يَبُورُ ١٠
Fatir 35:10
سورة فاطر
Meccan
Verse: 10/45
Page 435
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Ang sinumang nangyaring nagnanais ng karangalan ay sa kay Allāh ang karangalan sa kalahatan. Sa Kanya umaakyat ang pananalitang kaaya-aya, at ang gawang maayos ay nag-aangat nito. Ang mga nagpapakana ng mga masagwang, ukol sa kanila ay isang pagdurusang matindi. Ang pakana ng mga iyon ay mapaririwara. -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Ang sinumang nangyaring nagnanais ng karangalan sa Mundo o sa Kabilang-buhay ay huwag humiling nito maliban sa kay Allāh sapagkat kay Allāh - tanging sa Kanya - ang karangalan sa Mundo at Kabilang-buhay. Sa Kanya umaakyat ang pagbanggit sa Kanya na kaaya-aya, at ang gawang maayos ng mga lingkod Niya ay nag-aangat nito sa Kanya. Ang mga nagpapanukala ng mga pakanang masagwa gaya ng pagtatangka ng pagpatay sa Sugo - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - ukol sa kanila ay isang pagdurusang matindi. Ang pakana ng mga tagatangging sumampalataya na iyon ay mawawalang-saysay, masisira, at hindi magsasakatuparan para sa kanila ng isang pakay.
Fatir 35:10
Loading the recitation…
0:00