إِلَّا مَن رَّحِمَ رَبُّكَۚ وَلِذَٰلِكَ خَلَقَهُمۡۗ وَتَمَّتۡ كَلِمَةُ رَبِّكَ لَأَمۡلَأَنَّ جَهَنَّمَ مِنَ ٱلۡجِنَّةِ وَٱلنَّاسِ أَجۡمَعِينَ ١١٩
Hood 11:119
سورة هود
Meccan
Verse: 119/123
Page 235
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
maliban sa sinumang kinaawaan ng Panginoon mo, at dahil doon nilikha Niya sila. Malulubos ang salita ng Panginoon mo: "Talagang pupunuin Ko nga ang Impiyerno ng mga jinnīy at mga tao nang sama-sama." -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Maliban sa sinumang kinaawaan ni Allāh sa pamamagitan ng pagtutuon at patnubay sapagkat tunay na sila ay hindi nagkakaiba-iba sa paniniwala sa kaisahan Niya - napakamaluwalhati Niya, at dahil sa pagsubok na iyon sa pamamagitan ng pagkakaiba-iba ay nilikha Niya sila - napakamaluwalhati Niya. Kaya kabilang sa kanila ay malumbay at maligaya. Malulubos ang salita ng Panginoon mo, O Sugo, na itinadhana Niya sa walang-hanggan sa pamamagitan ng pagpuno sa Impiyerno ng mga tagasunod ng demonyo kabilang sa mga jinnīy at mga tao.
Hood 11:119
Loading the recitation…
0:00