۞ قُلۡ إِنَّمَآ أَعِظُكُم بِوَٰحِدَةٍۖ أَن تَقُومُواْ لِلَّهِ مَثۡنَىٰ وَفُرَٰدَىٰ ثُمَّ تَتَفَكَّرُواْۚ مَا بِصَاحِبِكُم مِّن جِنَّةٍۚ إِنۡ هُوَ إِلَّا نَذِيرࣱ لَّكُم بَيۡنَ يَدَيۡ عَذَابࣲ شَدِيدࣲ ٤٦
Saba' 34:46
سورة سبأ
Meccan
Verse: 46/54
Page 433
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Sabihin mo: "Nangangaral lamang ako sa inyo ng iisa: na tumayo kayo para kay Allāh nang dalawahan at mga nakabukod, pagkatapos ay mag-isip-isip kayo." Walang taglay ang kasamahan ninyo na anumang kabaliwan. Walang iba siya kundi isang tagapagbabala para sa inyo sa harap ng isang pagdurusang matindi. -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagatambal na ito: "Nagpapahiwatig lamang ako sa inyo at nagpapayo lamang ako sa inyo ng iisang katangian: na tumayo kayo habang mga naaalisan ng pithaya para kay Allāh - kaluwalhatian sa Kanya - nang dala-dalawa at mga namumukod. Pagkatapos ay mag-isip-isip kayo sa pamumuhay ng kasamahan ninyo at sa anumang nalaman ninyo sa pag-iisip niya, katapatan niya, at pagkamapagkakatiwalaan ninyo," upang mapaglinawan ninyo na siya - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - ay walang taglay na kabaliwan. Walang iba siya kundi isang tagapagbigay-babala para sa inyo sa harap ng isang pagdurusang matindi kung hindi kayo nagbalik-loob kay Allāh mula sa pagtatambal sa Kanya.
Saba' 34:46
Loading the recitation…
0:00