وَلَقَدۡ بَوَّأۡنَا بَنِيٓ إِسۡرَٰٓءِيلَ مُبَوَّأَ صِدۡقࣲ وَرَزَقۡنَٰهُم مِّنَ ٱلطَّيِّبَٰتِ فَمَا ٱخۡتَلَفُواْ حَتَّىٰ جَآءَهُمُ ٱلۡعِلۡمُۚ إِنَّ رَبَّكَ يَقۡضِي بَيۡنَهُمۡ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ فِيمَا كَانُواْ فِيهِ يَخۡتَلِفُونَ ٩٣
Yunus 10:93
سورة يونس
Meccan
Verse: 93/109
Page 219
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Talaga ngang nagpatira Kami sa mga anak ni Israel sa isang pinatitirahang angkop. Nagtustos Kami sa kanila mula sa mga kaaya-ayang bagay kaya hindi sila nagkasalungatan hanggang sa dumating sa kanila ang kaalaman. Tunay na ang Panginoon mo ay maghahatol sa pagitan nila sa Araw ng Pagbangon hinggil sa pinagkakasalungatan nila noon. -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Talaga ngang nagpatuloy si Allāh sa mga anak ni Israel sa isang tuluyang napupuri at isang lugar na kinalulugdan sa pinagpalang bayan ng Shām. Nagtustos Siya sa kanila mula sa ipinahihintulot na kaaya-ayang bagay kaya hindi sila nagkasalungatan sa usapin ng relihiyon hanggang sa dumating sa kanila ang Qur'ān na nagpapatotoo sa nabasa nila sa Torah na katangian ni Muḥammad - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. Ngunit noong tinutulan nila iyon ay inagaw ang mga bayan nila. Tunay na ang Panginoon mo, O Sugo, ay maghahatol sa pagitan nila sa Araw ng Pagbangon hinggil sa pinagkakasalungatan nila noon. kaya gagantihan Niya ang nagpapatotoo at ang nagpapabula kabilang sa kanila ng anumang karapat-dapat sa lahat sa kanila.
Yunus 10:93
Loading the recitation…
0:00