قَالَتۡ فَذَٰلِكُنَّ ٱلَّذِي لُمۡتُنَّنِي فِيهِۖ وَلَقَدۡ رَٰوَدتُّهُۥ عَن نَّفۡسِهِۦ فَٱسۡتَعۡصَمَۖ وَلَئِن لَّمۡ يَفۡعَلۡ مَآ ءَامُرُهُۥ لَيُسۡجَنَنَّ وَلَيَكُونࣰا مِّنَ ٱلصَّٰغِرِينَ ٣٢
Yusuf 12:32
سورة يوسف
Meccan
Verse: 32/111
Page 239
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Nagsabi ito: "Kaya iyan ang isinisisi ninyo sa akin hinggil sa kanya. Talaga ngang pinagtangkaan kong akitin siya sa sarili niya, ngunit nagpigil siya; at talagang kung hindi niya gagawin ang ipinag-uutos ko sa kanya, talagang ibibilanggo nga siya at talagang siya nga ay magiging kabilang sa mga nanliliit." -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Nagsabi ang maybahay ng Makapangyarihan sa mga babae noong nakita nito ang dumapo sa kanila: "Ito ay ang binatang ipinintas ninyo sa akin dahilan sa pagkaibig sa kanya. Talaga ngang pinagtangkaan ko siya at nanggulang ako sa pagtukso sa kanya ngunit tumanggi siya. Talagang kung hindi niya gagawin ang hinihiling ko mula sa kanya sa hinaharap ay talagang papasok nga siya sa bilangguan at talagang siya nga ay magiging kabilang sa mga kaaba-aba."
Yusuf 12:32
Loading the recitation…
0:00