وَدَخَلَ مَعَهُ ٱلسِّجۡنَ فَتَيَانِۖ قَالَ أَحَدُهُمَآ إِنِّيٓ أَرَىٰنِيٓ أَعۡصِرُ خَمۡرࣰاۖ وَقَالَ ٱلۡأٓخَرُ إِنِّيٓ أَرَىٰنِيٓ أَحۡمِلُ فَوۡقَ رَأۡسِي خُبۡزࣰا تَأۡكُلُ ٱلطَّيۡرُ مِنۡهُۖ نَبِّئۡنَا بِتَأۡوِيلِهِۦٓۖ إِنَّا نَرَىٰكَ مِنَ ٱلۡمُحۡسِنِينَ ٣٦
Yusuf 12:36
سورة يوسف
Meccan
Verse: 36/111
Page 239
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
May pumasok kasama niya sa bilangguan na dalawang binata. Nagsabi ang isa sa dalawa: "Tunay na ako ay nanaginip na ako ay pumipiga ng alak." Nagsabi naman ang isa pa: "Tunay na ako ay nanaginip na ako ay nagpapasan sa ibabaw ng ulo ko ng tinapay na kumakain ang mga ibon mula roon. Magbalita ka sa amin ng pagpapakahulugan nito. Tunay na kami ay nakakikita sa iyo na kabilang sa mga tagagawa ng maganda." -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Kaya ikinulong nila siya at may pumasok kasama niya na dalawang binata sa bilangguan. Nagsabi ang isa sa dalawang binata kay Yūsuf: "Tunay na ako ay nakakita sa panaginip na ako ay pumipiga ng ubas upang maging alak." Nagsabi naman ang ikalawa: "Tunay na ako ay nakakita sa panaginip na ako ay nagpapasan sa ibabaw ng ulo ko ng tinapay na kumakain ang mga ibon mula roon. Magpabatid ka sa amin, O Yūsuf, ng pagpapaliwanag ng napanaginipan namin. Tunay na kami ay nakakikita sa iyo na kabilang sa mga alagad ng paggawa ng maganda."
Yusuf 12:36
Loading the recitation…
0:00