قَالَ لَا يَأۡتِيكُمَا طَعَامࣱ تُرۡزَقَانِهِۦٓ إِلَّا نَبَّأۡتُكُمَا بِتَأۡوِيلِهِۦ قَبۡلَ أَن يَأۡتِيَكُمَاۚ ذَٰلِكُمَا مِمَّا عَلَّمَنِي رَبِّيٓۚ إِنِّي تَرَكۡتُ مِلَّةَ قَوۡمࣲ لَّا يُؤۡمِنُونَ بِٱللَّهِ وَهُم بِٱلۡأٓخِرَةِ هُمۡ كَٰفِرُونَ ٣٧
Yusuf 12:37
سورة يوسف
Meccan
Verse: 37/111
Page 239
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Nagsabi siya: "Walang dumarating sa inyo na pagkain na itinutustos sa inyong dalawa malibang magbabalita ako sa inyong dalawa ng pagpapakahulugan nito bago pa man dumating ito sa inyong dalawa. Iyan ay kabilang sa itinuro sa akin ng Panginoon ko. Tunay na ako ay nag-iwan sa kapaniwalaan ng mga taong hindi sumasampalataya kay Allāh habang sila sa Kabilang-buhay ay mga tagatangging sumampalataya. -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Nagsabi si Yūsuf - sumakanya ang pangangalaga: "Walang dumarating sa inyo na pagkaing ipinagkakaloob sa inyong dalawa mula sa hari o iba pa sa kanya malibang maglilinaw ako sa inyong dalawa ng katotohanan niyon at kung papaano iyon bago pa man dumating ito sa inyong dalawa. Ang pagpapakahulugang iyon na ipaaalam ko ay kabilang sa itinuro sa akin ng Panginoon ko, hindi mula sa panghuhula ni mula sa astrolohiya. Tunay na ako ay nag-iwan sa relihiyon ng mga taong hindi sumasampalataya kay Allāh habang sila sa Kabilang-buhay ay mga tagatangging sumampalataya.
Yusuf 12:37
Loading the recitation…
0:00