وَلَمَّا جَهَّزَهُم بِجَهَازِهِمۡ قَالَ ٱئۡتُونِي بِأَخࣲ لَّكُم مِّنۡ أَبِيكُمۡۚ أَلَا تَرَوۡنَ أَنِّيٓ أُوفِي ٱلۡكَيۡلَ وَأَنَا۠ خَيۡرُ ٱلۡمُنزِلِينَ ٥٩
Yusuf 12:59
سورة يوسف
Meccan
Verse: 59/111
Page 242
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Noong nagkaloob siya sa kanila ng kagamitan nila ay nagsabi siya: "Dalhin ninyo sa akin ang isang kapatid ninyo mula sa ama ninyo. Hindi ba ninyo nakikita na ako ay naglulubos sa pagtatakal at ako ay pinakamabuti sa mga tagapagpatuloy? -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Noong naibigay niya sa kanila ang hiniling nilang panlaang pagkain at baon ay nagsabi siya, matapos na nagpabatid sila sa kanya na mayroon silang isang kapatid sa ama nila na iniwan nila sa piling ng ama nito: "Dalhin ninyo sa akin ang kapatid ninyo mula sa ama ninyo, magdaragdag ako sa inyo ng isang pasan ng kamelyo. Hindi ba ninyo nakikita na ako ay kumukumpleto ng pagtatakal at hindi kumukulang nito at ako ay pinakamabuti sa mga tagatanggap ng panauhin?
Yusuf 12:59
Loading the recitation…
0:00