Kung nagpapasinungaling sila sa iyo ay may pinasinungalingan nga na mga sugo noong wala ka pa. Sa kay Allāh pinanunumbalik ang mga usapin.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Kung nagpapasinungaling sa iyo ang mga kalipi mo, O Sugo, ay magtiis ka sapagkat hindi ikaw ang unang sugong pinasinungalingan ng mga kalipi nito. May nagpasinungaling nga na mga kalipunan sa mga sugo sa kanila tulad ng `Ād at Thamūd at mga kababayan ni Lot. Sa kay Allāh - tanging sa Kanya - pinanunumbalik ang mga usapin sa kabuuan ng mga ito sapagkat nagpapasawi Siya sa mga tagapasinungaling at nag-aadya Siya sa mga sugo Niya at mga mananampalataya.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم