O mga sumampalataya, kapag nakipag-usap kayo nang sarilinan sa Sugo ay maghandog kayo bago ng sarilinang pakikipag-usap ninyo ng isang kawanggawa. Iyon ay higit na mabuti para sa inyo at higit na dalisay. Ngunit kung hindi kayo nakatagpo, tunay na si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
O mga sumampalataya, kapag nagnais kayo ng pakikipaglihiman sa Sugo ay maghandog kayo, bago ng pakikipaglihiman ninyo, ng isang kawanggawa. Ang paghahandog na iyon ng kawanggawa ay higit na mabuti para sa inyo at higit na dalisay dahil sa taglay nito na pagtalima kay Allāh, na nagpapadalisay sa mga puso. Ngunit kung hindi kayo nakatagpo ng maikakawanggawa ninyo, walang maisisisi sa inyo sa pakikipaglihiman sa kanya sapagkat tunay na si Allāh ay Mapagpatawad sa mga pagkakasala ng mga lingkod Niya, Maawain sa kanila yayamang hindi Siya nag-atang sa kanila malibang ayon sa kakayahan nila.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم