Surah Al-Qamar in Tagalog
Ang Buwan · سورة القمر · Verses: 55 · Meccan
Translation: Tagalog translation 1 (الترجمة الفلبينية (تجالوج))
-
1
ٱقۡتَرَبَتِ ٱلسَّاعَةُ وَٱنشَقَّ ٱلۡقَمَرُ
Nalapit ang Huling Sandali at nabiyak ang buwan. -
2
وَإِن يَرَوۡاْ ءَايَةࣰ يُعۡرِضُواْ وَيَقُولُواْ سِحۡرࣱ مُّسۡتَمِرࣱّ
Kung makakita sila ng isang himala ay aayaw sila at magsasabi: "Isang panggagaway na nagpapatuloy." -
3
وَكَذَّبُواْ وَٱتَّبَعُوٓاْ أَهۡوَآءَهُمۡۚ وَكُلُّ أَمۡرࣲ مُّسۡتَقِرࣱّ
Nagpasinungaling sila at sumunod sila sa mga pithaya nila. At ang bawat bagay ay mananahan. -
4
وَلَقَدۡ جَآءَهُم مِّنَ ٱلۡأَنۢبَآءِ مَا فِيهِ مُزۡدَجَرٌ
At talaga ngang dumating sa kanila mula sa mga balita ang may pantaboy. -
5
حِكۡمَةُۢ بَٰلِغَةࣱۖ فَمَا تُغۡنِ ٱلنُّذُرُ
Isang masidhing karunungan ngunit hindi nakapagdulot ang mga tagababala. -
6
فَتَوَلَّ عَنۡهُمۡۘ يَوۡمَ يَدۡعُ ٱلدَّاعِ إِلَىٰ شَيۡءࣲ نُّكُرٍ
Kaya tumalikod ka sa kanila sa araw na mananawagan ang tagatawag tungo sa isang bagay na nakapangingilabot. -
7
خُشَّعًا أَبۡصَٰرُهُمۡ يَخۡرُجُونَ مِنَ ٱلۡأَجۡدَاثِ كَأَنَّهُمۡ جَرَادࣱ مُّنتَشِرࣱ
Mga nagpapakaaba ang mga paningin nila, lalabas sila mula sa mga pinaglibingan na para bang sila ay mga balang na kumakalat, -
8
مُّهۡطِعِينَ إِلَى ٱلدَّاعِۖ يَقُولُ ٱلۡكَٰفِرُونَ هَٰذَا يَوۡمٌ عَسِرࣱ
na mga kumakaripas patungo sa tagatawag. Magsasabi ang mga tagatangging sumampalataya na ito ay araw na mahirap. -
9
۞ كَذَّبَتۡ قَبۡلَهُمۡ قَوۡمُ نُوحࣲ فَكَذَّبُواْ عَبۡدَنَا وَقَالُواْ مَجۡنُونࣱ وَٱزۡدُجِرَ
Nagpasinungaling bago nila ang mga tao ni Noe sapagkat nagpasinungaling sila sa lingkod Namin at sinabihan nilang baliw at ipinagtabuyan siya. -
10
فَدَعَا رَبَّهُۥٓ أَنِّي مَغۡلُوبࣱ فَٱنتَصِرۡ
Kaya dumalangin siya sa Panginoon niya: "Tunay na ako ay nagapi kaya mag-adya Ka." -
11
فَفَتَحۡنَآ أَبۡوَٰبَ ٱلسَّمَآءِ بِمَآءࣲ مُّنۡهَمِرࣲ
Kaya nagbukas Kami sa mga pinto ng langit na may tubig na bumubuhos. -
12
وَفَجَّرۡنَا ٱلۡأَرۡضَ عُيُونࣰا فَٱلۡتَقَى ٱلۡمَآءُ عَلَىٰٓ أَمۡرࣲ قَدۡ قُدِرَ
At nagpabulwak Kami sa lupa ng mga bukal, at nagtagpo ang tubig [ng langit at lupa] ayon sa utos na itinakda. -
13
وَحَمَلۡنَٰهُ عَلَىٰ ذَاتِ أَلۡوَٰحࣲ وَدُسُرࣲ
Nagdala Kami sa kanya sa [daong na] may mga tabla at mga pako. -
14
تَجۡرِي بِأَعۡيُنِنَا جَزَآءࣰ لِّمَن كَانَ كُفِرَ
Naglalayag ito sa pamamagitan ng mga mata Namin bilang ganti sa dating tinanggihang sampalatayanan. -
15
وَلَقَد تَّرَكۡنَٰهَآ ءَايَةࣰ فَهَلۡ مِن مُّدَّكِرࣲ
At talaga ngang nag-iwan Kami nito bilang isang tanda, kaya may tagapag-alaala ba? -
16
فَكَيۡفَ كَانَ عَذَابِي وَنُذُرِ
Kaya papaano naging ang pagdurusang dulot Ko at ang mga babala Ko? -
17
وَلَقَدۡ يَسَّرۡنَا ٱلۡقُرۡءَانَ لِلذِّكۡرِ فَهَلۡ مِن مُّدَّكِرࣲ
At talaga ngang nagpadali Kami sa Qur’ān para sa pagsasaalaala, kaya may tagapagsaalaala ba? -
18
كَذَّبَتۡ عَادࣱ فَكَيۡفَ كَانَ عَذَابِي وَنُذُرِ
Nagpasinungaling ang [liping] `Ād, kaya papaano naging ang pagdurusang dulot Ko at mga babala Ko? -
19
إِنَّآ أَرۡسَلۡنَا عَلَيۡهِمۡ رِيحࣰا صَرۡصَرࣰا فِي يَوۡمِ نَحۡسࣲ مُّسۡتَمِرࣲّ
Tunay na Kami ay nagsugo sa kanila ng isang hanging pagkalamig-lamig sa araw ng isang kasawiang-palad na nagpatuloy. -
20
تَنزِعُ ٱلنَّاسَ كَأَنَّهُمۡ أَعۡجَازُ نَخۡلࣲ مُّنقَعِرࣲ
Humuhugot ito sa mga tao na para bang sila ay mga katawan ng datiles na nabunot. -
21
فَكَيۡفَ كَانَ عَذَابِي وَنُذُرِ
Kaya papaano naging ang pagdurusang dulot Ko at ang mga babala Ko? -
22
وَلَقَدۡ يَسَّرۡنَا ٱلۡقُرۡءَانَ لِلذِّكۡرِ فَهَلۡ مِن مُّدَّكِرࣲ
Talaga ngang nagpadali Kami sa Qur’ān para sa pagsasaalaala, kaya may tagapagsaalaala ba? -
23
كَذَّبَتۡ ثَمُودُ بِٱلنُّذُرِ
Nagpasinungaling ang [liping] Thamūd sa mga babala. -
24
فَقَالُوٓاْ أَبَشَرࣰا مِّنَّا وَٰحِدࣰا نَّتَّبِعُهُۥٓ إِنَّآ إِذࣰا لَّفِي ضَلَٰلࣲ وَسُعُرٍ
Kaya nagsabi sila: "Isang tao ba kabilang sa amin na nag-iisa ay susunod kami sa kanya? Tunay na kami, samakatuwid, ay talagang nasa isang pagkaligaw at pagkabaliw. -
25
أَءُلۡقِيَ ٱلذِّكۡرُ عَلَيۡهِ مِنۢ بَيۡنِنَا بَلۡ هُوَ كَذَّابٌ أَشِرࣱ
Iniukol ba ang paalaala sa kanya sa gitna namin? Bagkus siya ay isang palasinungaling na hambog." -
26
سَيَعۡلَمُونَ غَدࣰا مَّنِ ٱلۡكَذَّابُ ٱلۡأَشِرُ
Makaaalam sila bukas kung sino ang palasinungaling na hambog. -
27
إِنَّا مُرۡسِلُواْ ٱلنَّاقَةِ فِتۡنَةࣰ لَّهُمۡ فَٱرۡتَقِبۡهُمۡ وَٱصۡطَبِرۡ
Tunay na Kami ay magsusugo ng dumalagang kamelyo bilang isang tukso para sa kanila, kaya mag-antabay ka sa kanila at magtiyaga ka. -
28
وَنَبِّئۡهُمۡ أَنَّ ٱلۡمَآءَ قِسۡمَةُۢ بَيۡنَهُمۡۖ كُلُّ شِرۡبࣲ مُّحۡتَضَرࣱ
At magbalita ka sa kanila na ang tubig ay paghahatian sa pagitan nila. Bawat pag-inom ay halinhinan. -
29
فَنَادَوۡاْ صَاحِبَهُمۡ فَتَعَاطَىٰ فَعَقَرَ
Ngunit nanawagan sila sa kasamahan nila at kinuha nito [iyon] at kinatay nito. -
30
فَكَيۡفَ كَانَ عَذَابِي وَنُذُرِ
Kaya papaano naging ang pagdurusang dulot Ko at ang mga babala Ko? -
31
إِنَّآ أَرۡسَلۡنَا عَلَيۡهِمۡ صَيۡحَةࣰ وَٰحِدَةࣰ فَكَانُواْ كَهَشِيمِ ٱلۡمُحۡتَظِرِ
Tunay na Kami ay nagsugo sa kanila ng hiyaw na nag-iisa kaya sila ay naging gaya ng mga tuyot na sanga ng nagkukural. -
32
وَلَقَدۡ يَسَّرۡنَا ٱلۡقُرۡءَانَ لِلذِّكۡرِ فَهَلۡ مِن مُّدَّكِرࣲ
Talaga ngang nagpadali Kami sa Qur’ān para sa pagsasaalaala kaya may tagapagsaalaala ba? -
33
كَذَّبَتۡ قَوۡمُ لُوطِۭ بِٱلنُّذُرِ
Nagpasinungaling ang mga kababayan ni Lot sa mga babala. -
34
إِنَّآ أَرۡسَلۡنَا عَلَيۡهِمۡ حَاصِبًا إِلَّآ ءَالَ لُوطࣲۖ نَّجَّيۡنَٰهُم بِسَحَرࣲ
Tunay na Kami ay nagsugo sa kanila ng mga bato maiban sa mag-anak ni Lot; nagligtas Kami sa kanila sa huling bahagi ng gabi -
35
نِّعۡمَةࣰ مِّنۡ عِندِنَاۚ كَذَٰلِكَ نَجۡزِي مَن شَكَرَ
bilang isang pagpapala mula sa ganang Amin. Gayon Kami gumaganti sa sinumang nagpasalamat. -
36
وَلَقَدۡ أَنذَرَهُم بَطۡشَتَنَا فَتَمَارَوۡاْ بِٱلنُّذُرِ
At talaga ngang nagbabala siya sa kanila ng pagdaluhong Namin ngunit nag-alangan sila sa mga babala. -
37
وَلَقَدۡ رَٰوَدُوهُ عَن ضَيۡفِهِۦ فَطَمَسۡنَآ أَعۡيُنَهُمۡ فَذُوقُواْ عَذَابِي وَنُذُرِ
At talaga ngang humiling sila sa kanya [ng panghahalay] sa panauhin niya ngunit pumawi Kami sa mga mata nila, [na nagsasabi:] "Kaya lumasap kayo ng pagdurusang dulot Ko at mga babala Ko." -
38
وَلَقَدۡ صَبَّحَهُم بُكۡرَةً عَذَابࣱ مُّسۡتَقِرࣱّ
At talaga ngang sinapit sila sa umaga ng isang pagdurusang nananahan. -
39
فَذُوقُواْ عَذَابِي وَنُذُرِ
Kaya lumasap kayo ng pagdurusang dulot Ko at mga babala Ko. -
40
وَلَقَدۡ يَسَّرۡنَا ٱلۡقُرۡءَانَ لِلذِّكۡرِ فَهَلۡ مِن مُّدَّكِرࣲ
At talaga ngang nagpadali Kami sa Qur’ān para sa pagsasaalaala, kaya may tagapagsaalaala ba? -
41
وَلَقَدۡ جَآءَ ءَالَ فِرۡعَوۡنَ ٱلنُّذُرُ
At talaga ngang dumating sa mga alagad ni Paraon ang mga babala. -
42
كَذَّبُواْ بِـَٔايَٰتِنَا كُلِّهَا فَأَخَذۡنَٰهُمۡ أَخۡذَ عَزِيزࣲ مُّقۡتَدِرٍ
Nagpasinungaling sila sa mga tanda Namin kaya kumuha Kami sa kanila ng pagkuha ng Makapangyarihan na Nakakakaya. -
43
أَكُفَّارُكُمۡ خَيۡرࣱ مِّنۡ أُوْلَٰٓئِكُمۡ أَمۡ لَكُم بَرَآءَةࣱ فِي ٱلزُّبُرِ
Ang mga tagatangging sumampalataya ninyo ba ay higit na mabuti kaysa sa mga iyon o mayroon kayong kaligtasan sa [pagdurusang nasaad] mga kasulatan? -
44
أَمۡ يَقُولُونَ نَحۡنُ جَمِيعࣱ مُّنتَصِرࣱ
O nagsasabi sila: "Kami ay buklurang nag-aadyaan?" -
45
سَيُهۡزَمُ ٱلۡجَمۡعُ وَيُوَلُّونَ ٱلدُّبُرَ
Matatalo ang pagkakabuklod at magbabaling sila ng mga likod. -
46
بَلِ ٱلسَّاعَةُ مَوۡعِدُهُمۡ وَٱلسَّاعَةُ أَدۡهَىٰ وَأَمَرُّ
Bagkus ang Huling Sandali ay ang tipanan nila, at ang Huling Sandali ay higit na masaklap at higit na mapait. -
47
إِنَّ ٱلۡمُجۡرِمِينَ فِي ضَلَٰلࣲ وَسُعُرࣲ
Tunay na ang mga salarin ay nasa isang pagkaligaw at isang pagdurusa. -
48
يَوۡمَ يُسۡحَبُونَ فِي ٱلنَّارِ عَلَىٰ وُجُوهِهِمۡ ذُوقُواْ مَسَّ سَقَرَ
Sa araw na kakaladkarin sila sa Apoy sa pagkasubsob ng mga mukha nila: "Lumasap kayo ng saling ng Impiyerno!" -
49
إِنَّا كُلَّ شَيۡءٍ خَلَقۡنَٰهُ بِقَدَرࣲ
Tunay na Kami sa bawat bagay ay lumikha ayon sa isang takda. -
50
وَمَآ أَمۡرُنَآ إِلَّا وَٰحِدَةࣱ كَلَمۡحِۭ بِٱلۡبَصَرِ
At ang utos Namin ay nag-iisa lamang, gaya ng kisap ng paningin. -
51
وَلَقَدۡ أَهۡلَكۡنَآ أَشۡيَاعَكُمۡ فَهَلۡ مِن مُّدَّكِرࣲ
At talaga ngang nagpasawi Kami ng mga kawangis ninyo, kaya may tagapagsaalaala ba? -
52
وَكُلُّ شَيۡءࣲ فَعَلُوهُ فِي ٱلزُّبُرِ
At bawat bagay na ginawa nila ay nasa mga talaan. -
53
وَكُلُّ صَغِيرࣲ وَكَبِيرࣲ مُّسۡتَطَرٌ
At bawat maliit at malaki ay nakatitik. -
54
إِنَّ ٱلۡمُتَّقِينَ فِي جَنَّٰتࣲ وَنَهَرࣲ
Tunay na ang mga tagapangilag magkasala ay nasa mga hardin at mga ilog, -
55
فِي مَقۡعَدِ صِدۡقٍ عِندَ مَلِيكࣲ مُّقۡتَدِرِۭ
sa upuan ng katapatan sa tabi ng Haring Nakakakaya.