Ang ikinasi Namin sa iyo na Aklat ay ang katotohanan, na nagpapatotoo sa nauna rito. Tunay na si Allāh sa mga lingkod Niya ay talagang Nakababatid, Nakakikita.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Ang ikinasi Namin sa iyo, O Sugo, na Aklat ay ang katotohanang walang duda hinggil dito, na ibinaba ni Allāh bilang pagpapatotoo sa mga kasulatang nauna. Tunay na si Allāh ay talagang Nakababatid sa mga lingkod Niya, Nakakikita sapagkat Siya ay nagkakasi sa sugo ng bawat kalipunang nangangailangan sa pagkasi sa panahon niyon.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم