Ang paghahalintulad sa mga pinagpasan ng Torah, pagkatapos ay hindi pumasan nito, ay gaya ng paghahalintulad sa asno habang pumapasan ng mga makapal na aklat. Kay saklap ang paghahalintulad sa mga taong nagpasinungaling sa mga tanda ni Allāh! Si Allāh ay hindi nagpapatnubay sa mga taong tagalabag sa katarungan.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Ang paghahalintulad sa mga Hudyo na inatangan ng pagsasagawa ng nasa Torah, at saka iniwan nila ang iniatang sa kanila, ay gaya ng paghahalintulad sa asno habang pumapasan ng mga malaking aklat; hindi ito nakababatid kung ano ang ipinapasan dito kung ito ba ay mga aklat o iba pa. Pumangit ang paghahalintulad sa mga taong nagpasinungaling sa mga tanda ni Allāh! Si Allāh ay hindi nagtutuon sa mga taong tagalabag sa katarungan sa pagtamo ng katotohanan.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم