[Banggitin] noong nagtapat ang Propeta sa isa sa mga maybahay niya ng isang napag-usapan; at noong nagbalita ito niyon at naghayag naman niyon si Allāh sa kanya ay nagpabatid siya ng isang bahagi nito at nagwalang-bahala sa ibang bahagi. Kaya noong nagbalita siya rito hinggil doon ay nagsabi ito: "Sino ang nagsabalita sa iyo nito?" Nagsabi siya: "Nagbalita sa akin ang Maalam, ang Nakababatid."
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Banggitin mo nang nagtangi ang Propeta - basbasan siya ni Allāh at pangalagaan - kay Ḥafṣah ng isang ulat. Bahagi nito ay na siya ay hindi lalapit sa maybahay niyang si Maria. Noong nagpabatid si Ḥafṣah kay `Ā'ishah hinggil sa ulat at nagbalita naman si Allāh sa Propeta Niya tungkol sa pagpalaganap ng lihim niya, pinagalitan niya si Ḥafṣah at bumanggit siya rito ng isang bahagi mula sa binanggit nito at nanahimik siya tungkol sa ibang bahagi. Nagtanong ito sa kanya: "Sino ang nagpabatid sa iyo nito?" Nagsabi naman siya: "Nagpabatid sa akin ang Maalam sa bawat bagay, ang Nakababatid sa bawat nakakubli."
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم