ترجمة سورة التغابن

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
ترجمة معاني سورة التغابن باللغة الفلبينية من كتاب الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم .
من تأليف: مركز تفسير للدراسات القرآنية .

Nagpapawalang-kaugnayan kay Allāh at nagpapabanal sa Kanya sa bawat anumang hindi nababagay sa Kanya na mga katangian ng kakulangan ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa na mga nilikha. Ukol sa Kanya - tanging sa Kanya - ang paghahari kaya walang haring iba pa sa Kanya, at ukol sa Kanya ang pagbubunying maganda. Siya sa bawat bagay ay May-kakayahan: walang nakapagpapawalang-kakayahan sa Kanya na anuman.
Siya ay ang lumikha sa inyo, O mga tao, at kabilang sa inyo ay tumatangging sumampalataya sa Kanya at ang kahahantungan nito ay ang Apoy, at kabilang sa inyo ay mananampalataya sa Kanya at ang kahahantungan nito ay ang Hardin. Si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Nakakikita: walang naikukubli sa Kanya mula sa mga gawain ninyo na anuman, at gaganti sa inyo sa mga ito.
Lumikha Siya ng mga langit at lumikha Siya ng lupa ayon sa katotohanan, at hindi Siya lumikha sa mga ito sa isang paglalaru-laro. Nagbigay-anyo Siya sa inyo, O mga tao, at saka nagpaganda Siya sa mga anyo ninyo bilang pagmamabuting-loob, na kung sakaling nagnais Siya ay talaga sanang gumawa Siya sa mga ito bilang pangit. Tungo sa Kanya - tanging sa Kanya - ang panunumbalikan sa Araw ng Pagbangon para gumantimpala Siya sa inyo sa mga gawain ninyo; kung mabuti ay mabuti [ang ganti] at kung masama ay masama [ang ganti].
Nakaaalam Siya sa anumang nasa mga langit, nakaaalam Siya sa anumang nasa lupa, nakaaalam Siya sa anumang ikinukubli ninyo na mga gawain, at nakaaalam Siya sa anumang inihahayag ninyo. Si Allāh ay Maalam sa nilalaman ng mga dibdib na kabutihan o kasamaan: walang naikukubli sa Kanya mula roon na anuman.
Hindi ba pumunta sa inyo, O mga tagatambal, ang ulat hinggil sa mga kalipunang tagapasinungaling noong wala pa kayo, tulad ng mga tao ni Noe, ng `Ād, Thamūd at iba pa sa kanila? Kaya lumasap sila ng parusa sa taglay nila noon na kawalang-pananampalataya sa Mundo, at ukol sa kanila sa Kabilang-buhay ay isang pagdurusang nakasasakit. Oo; pumunta nga sa inyo iyon kaya magsaalang-alang kayo sa kinauwian ng kalagayan nila, at saka magbalik-loob kayo kay Allāh bago dumapo sa inyo ang dumapo sa kanila.
Ang pagdurusang iyon na tumama sa kanila ay tumama lamang sa kanila dahilan sa noon ay naghahatid sa kanila ang mga sugo nila mula sa ganang kay Allāh ng mga katwirang maliwanag at mga patotoong hayag, ngunit nagsabi sila habang mga nagmamalaki [sa pangungutya] na ang mga sugo ay naging kabilang sa lahi ng sangkatauhan: "Mga tao ba ang gagabay sa amin tungkol sa katotohanan?" Kaya tumanggi silang sumampalataya at umayaw sa pagsampalataya sa kanila, ngunit hindi sila nakapinsala kay Allāh ng anuman. Nagwalang-halaga si Allāh sa pananampalataya nila at pagtalima nila dahil ang pagtalima nila ay hindi nakadaragdag sa Kanya ng anuman. Si Allāh ay Walang-pangangailangan, na hindi nangangailangan sa mga lingkod Niya, na Pinapupurihan sa mga sinasabi Niya at mga ginagawa Niya.
Nag-angkin ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh na si Allāh ay hindi raw magpapanumbalik sa kanila bilang mga buhay matapos ng kamatayan nila. Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagakailang ito sa pagbubuhay: "Oo naman; sumpa man sa Panginoon ko, talagang bubuhayin nga kayo sa Araw ng Pagbangon, pagkatapos ay talagang babalitaan nga kayo hinggil sa ginawa ninyo sa Mundo. Ang pagbubuhay na iyon kay Allāh ay magaan sapagkat lumikha nga Siya sa inyo sa unang pagkakataon kaya Siya ay nakakakaya sa pagpapanumbalik sa inyo matapos ng kamatayan ninyo bilang mga buhay para sa pagtutuos at pagganti."
Kaya sumampalataya kayo, O mga tao, kay Allāh, sumampalataya kayo sa Sugo Niya, at sumampalataya kayo sa Qur'ān na ibinaba Namin sa Sugo Niya. Si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Nakababatid: walang naikukubli sa Kanya mula sa mga gawain ninyo na anuman, at gaganti sa inyo sa mga ito.
Banggitin mo, O Sugo, sa Araw na magbubuklod sa inyo si Allāh para sa Araw ng Pagbangon upang gumanti sa inyo sa mga gawain ninyo. Ang Araw na iyon na lalantad doon ang kalugihan ng mga tagatangging sumampalataya at ang pagkulang sa kanila yayamang magmamana ang mga mananampalataya ng mga tuluyan sana sa Hardin ng mga maninirahan sa Apoy at magmamana ang mga maninirahan sa Apoy ng mga tuluyan sana sa Apoy ng mga maninirahan sa Hardin. Ang sinumang sumampalataya kay Allāh at gumawa ng gawang matuwid ay magtatakip si Allāh rito sa mga masagwang gawa nito at magpapapasok Siya rito sa mga Hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga palasyo nito at mga punong-kahoy ng mga ito ang mga ilog habang mga mamamalagi sa mga ito magpakailanman; hindi sila lalabas mula sa mga ito at hindi mapuputol sa kanila ang ginhawa sa mga ito. Ang matatamo nilang iyon ay ang pagwawaging sukdulan na walang nakapapantay rito na isang pagwawagi.
At ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh at nagpasinungaling sa mga tanda Niya na ibinaba Niya sa Sugo Niya, ang mga iyon ay ang mga maninirahan sa Apoy bilang mga mamamalagi roon magpakailanman. Pumangit bilang kahahantungan ang kahahantungan nila!
Walang tumama na anumang kasawian malibang ayon sa kapahintulutan ni Allāh. Ang sinumang sumampalataya kay Allāh ay magpapatnubay Siya sa puso nito. Si Allāh sa bawat bagay ay Maalam.
At tumalima kayo kay Allāh at tumalima kayo sa Sugo. Kaya kung umayaw kayo sa dinala sa inyo ng Sugo ninyo, ang kasalanan ng pag-ayaw na iyon ay sa inyo. Walang tungkulin sa Sugo Namin kundi ang pagpapaabot sa ipinag-utos Namin sa kanya na ipaabot, at nagpaabot nga siya sa inyo ng ipinag-utos sa kanya na ipaabot.
Si Allāh ay ang sinasamba ayon sa karapatan; walang sinasamba ayon sa karapatan na iba pa sa Kanya; kaya kay Allāh - tanging sa Kanya - sumandal ang mga mananampalataya sa lahat ng mga nauukol sa kanila.
O mga sumampalataya kay Allāh at gumawa ayon sa isinabatas Niya para sa kanila, tunay na mayroon sa mga maybahay ninyo at mga anak ninyo na kaaway para sa inyo dahil sila ay umaabala sa inyo sa pag-alaala kay Allāh at pakikibaka sa landas Niya at bumabalakid sa inyo kaya mag-ingat kayo sa kanila na makaapekto sila sa inyo. Kung magpapalampas kayo sa mga pagkatisod nila, aayaw kayo sa mga ito, at magtatakip kayo sa mga ito sa kanila, tunay na si Allāh ay mapagpatawad sa inyo sa mga pagkakasala ninyo, at maaawa sa inyo. Ang ganti ay kauri ng gawain.
Ang mga yaman ninyo at ang mga anak ninyo ay isang pagsubok at isang pagsusulit lamang para sa inyo sapagkat maaaring magdala sila sa inyo sa pagkamit ng ipinagbabawal at pag-iwan sa pagtalima kay Allāh samantalang si Allāh sa piling Niya ay isang gantimpalang sukdulan para sa sinumang nagtangi sa pagtalim sa Kanya higit sa pagtalima sa mga anak at higit sa pagkaabala sa yaman. Ang ganting sukdulan na ito ay ang paraiso.
Kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya sa abot ng makakaya ninyo sa paggawa ng pagtalima sa Kanya, makinig kayo, tumalima kayo kay Allāh at sa Sugo Niya, at magkaloob kayo ng mga yaman ninyo, na itinustos sa inyo ni Allāh sa inyo, alang-alang sa paggawa ng mga uri ng kabutihan. Ang sinumang ipinagsanggalang ni Allāh sa katakawan ng sarili niya, ang mga iyon ay ang mga magwawagi ng hinihiling nila at ang mga maliligtas sa pinangingilabutan nila.
Kung magpapautang kayo kay Allāh ng isang pautang na maganda sa pamamagitan ng pagkakaloob ninyo mula sa mga yaman ninyo sa landas Niya ay magpapaibayo Siya para sa inyo ng pabuya sa pamamagitan ng paggawa sa magandang gawa katumbas ng sampung tulad nito hanggang sa pitong daang ulit hanggang sa maraming ulit, at magpapalampas Siya sa inyo sa mga pagkakasala ninyo. Si Allāh ay Mapagpasalamat: nagbibigay sa kaunting gawa ng pabuyang marami, Matimpiin: hindi nagmamadali ng kaparusahan,
Si Allāh - kaluwalhatian sa Kanya - ay ang Nakaaalam sa nakalingid at nakadalo: walang naikukubli sa Kanya na anuman doon, ang Makapangyarihang walang nakadadaig sa Kanya na isa man, ang Marunong sa paglikha Niya, batas Niya, at pagtatakda Niya.
Icon