ترجمة سورة الفيل

الترجمة الفلبينية (تجالوج)
ترجمة معاني سورة الفيل باللغة الفلبينية من كتاب الترجمة الفلبينية (تجالوج) .
من تأليف: مركز رواد الترجمة بالتعاون مع موقع دار الإسلام .

Hindi mo ba napag-alaman kung papaano ang ginawa ng Panginoon mo sa mga kasamahan ng elepante?
Hindi ba Siya gumawa sa pakana nila sa pagkawala?
At nagsugo Siya sa kanila ng mga ibon na kawan-kawan,
na nagpupukol sa kanila ng mga batong mula sa luwad na nanigas.
Kaya gumawa Siya sa kanila gaya ng uhay na kinainan.
Icon