Surah Ad-Dukhan in Tagalog
Ang Usok · سورة الدخان · Verses: 59 · Meccan
Translation: Tagalog translation 1 (الترجمة الفلبينية (تجالوج))
-
1
حمٓ
Ḥā. Mīm. -
2
وَٱلۡكِتَٰبِ ٱلۡمُبِينِ
Sumpa man sa Aklat na malinaw, -
3
إِنَّآ أَنزَلۡنَٰهُ فِي لَيۡلَةࣲ مُّبَٰرَكَةٍۚ إِنَّا كُنَّا مُنذِرِينَ
tunay na Kami ay nagpababa nito sa isang gabing pinagpala. Tunay na Kami noon ay nagbababala. -
4
فِيهَا يُفۡرَقُ كُلُّ أَمۡرٍ حَكِيمٍ
Sa [gabing] iyon pinagpapasyahan ang bawat usaping tumpak, -
5
أَمۡرࣰا مِّنۡ عِندِنَآۚ إِنَّا كُنَّا مُرۡسِلِينَ
bilang isang usaping mula sa ganang Amin. Tunay na Kami noon ay nagsusugo, -
6
رَحۡمَةࣰ مِّن رَّبِّكَۚ إِنَّهُۥ هُوَ ٱلسَّمِيعُ ٱلۡعَلِيمُ
bilang awa mula sa Panginoon mo. Tunay na Siya ay ang Madinigin, ang Maalam. -
7
رَبِّ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ وَمَا بَيۡنَهُمَآۖ إِن كُنتُم مُّوقِنِينَ
Panginoon ng mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito, kung kayo noon ay mga nakatitiyak. -
8
لَآ إِلَٰهَ إِلَّا هُوَ يُحۡيِۦ وَيُمِيتُۖ رَبُّكُمۡ وَرَبُّ ءَابَآئِكُمُ ٱلۡأَوَّلِينَ
Walang Diyos kundi Siya; nagbibigay-buhay Siya at nagbibigay-kamatayan Siya, ang Panginoon ninyo at ang Panginoon ng mga magulang ninyong mga sinauna. -
9
بَلۡ هُمۡ فِي شَكࣲّ يَلۡعَبُونَ
Bagkus sila sa isang pagdududa ay naglalaro. -
10
فَٱرۡتَقِبۡ يَوۡمَ تَأۡتِي ٱلسَّمَآءُ بِدُخَانࣲ مُّبِينࣲ
Kaya mag-abang ka sa Araw na maghahatid ang langit ng isang usok na malinaw. -
11
يَغۡشَى ٱلنَّاسَۖ هَٰذَا عَذَابٌ أَلِيمࣱ
Babalot ito sa mga tao. Ito ay isang pagdurusang masakit. -
12
رَّبَّنَا ٱكۡشِفۡ عَنَّا ٱلۡعَذَابَ إِنَّا مُؤۡمِنُونَ
Panginoon Namin, pumawi Ka sa amin ng pagdurusa; tunay na Kami ay mga mananampalataya. -
13
أَنَّىٰ لَهُمُ ٱلذِّكۡرَىٰ وَقَدۡ جَآءَهُمۡ رَسُولࣱ مُّبِينࣱ
Paanong ukol sa kanila ang paalaala gayong may dumating na sa kanilang isang Sugong malinaw? -
14
ثُمَّ تَوَلَّوۡاْ عَنۡهُ وَقَالُواْ مُعَلَّمࣱ مَّجۡنُونٌ
Pagkatapos ay tumalikod sila sa kanya at nagsabi sila: "Isang tinuruang baliw." -
15
إِنَّا كَاشِفُواْ ٱلۡعَذَابِ قَلِيلًاۚ إِنَّكُمۡ عَآئِدُونَ
Tunay na Kami ay papawi ng pagdurusa nang kakaunti. Tunay na kayo ay mga babalik. -
16
يَوۡمَ نَبۡطِشُ ٱلۡبَطۡشَةَ ٱلۡكُبۡرَىٰٓ إِنَّا مُنتَقِمُونَ
Sa Araw na hahagupit Kami ng paghagupit na pinakamalaki, tunay na Kami ay maghihiganti. -
17
۞ وَلَقَدۡ فَتَنَّا قَبۡلَهُمۡ قَوۡمَ فِرۡعَوۡنَ وَجَآءَهُمۡ رَسُولࣱ كَرِيمٌ
Talaga ngang sumubok Kami bago nila sa mga tao ni Paraon, at may dumating sa kanila na isang sugong marangal, -
18
أَنۡ أَدُّوٓاْ إِلَيَّ عِبَادَ ٱللَّهِۖ إِنِّي لَكُمۡ رَسُولٌ أَمِينࣱ
na [nagsasabi]: "Ipaubaya ninyo sa akin ang mga lingkod ni Allāh - tunay na ako para sa inyo ay isang sugong mapagkakatiwalaan - -
19
وَأَن لَّا تَعۡلُواْ عَلَى ٱللَّهِۖ إِنِّيٓ ءَاتِيكُم بِسُلۡطَٰنࣲ مُّبِينࣲ
at huwag kayong magmataas kay Allāh - tunay na ako ay dumarating sa inyo nang may kapamahalaang malinaw. -
20
وَإِنِّي عُذۡتُ بِرَبِّي وَرَبِّكُمۡ أَن تَرۡجُمُونِ
At tunay na ako ay nagpakupkop sa Panginoon ko at Panginoon ninyo na baka bumato kayo sa akin. -
21
وَإِن لَّمۡ تُؤۡمِنُواْ لِي فَٱعۡتَزِلُونِ
At kung hindi kayo naniwala sa akin ay lumayo kayo sa akin." -
22
فَدَعَا رَبَّهُۥٓ أَنَّ هَٰٓؤُلَآءِ قَوۡمࣱ مُّجۡرِمُونَ
Kaya dumalangin siya sa Panginoon niya na ang mga ito ay mga taong salarin. -
23
فَأَسۡرِ بِعِبَادِي لَيۡلًا إِنَّكُم مُّتَّبَعُونَ
Kaya [nag-utos si Allāh]: "Kaya maglakbay ka kasama ng mga lingkod Ko sa isang gabi; tunay na kayo ay mga susundan." -
24
وَٱتۡرُكِ ٱلۡبَحۡرَ رَهۡوًاۖ إِنَّهُمۡ جُندࣱ مُّغۡرَقُونَ
At iwan mo ang dagat nang payapa; tunay na sila ay mga kawal na malulunod. -
25
كَمۡ تَرَكُواْ مِن جَنَّٰتࣲ وَعُيُونࣲ
Kay rami ng iniwan nilang mga hardin at mga bukal, -
26
وَزُرُوعࣲ وَمَقَامࣲ كَرِيمࣲ
mga pananim at pinanatilihang marangal, -
27
وَنَعۡمَةࣲ كَانُواْ فِيهَا فَٰكِهِينَ
at biyayang sila dati roon ay mga nagpapasarap! -
28
كَذَٰلِكَۖ وَأَوۡرَثۡنَٰهَا قَوۡمًا ءَاخَرِينَ
Gayon nga, at nagpamana Kami sa mga ibang tao. -
29
فَمَا بَكَتۡ عَلَيۡهِمُ ٱلسَّمَآءُ وَٱلۡأَرۡضُ وَمَا كَانُواْ مُنظَرِينَ
Kaya hindi umiyak para sa kanila ang langit at ang lupa at sila noon ay hindi mga ipagpapaliban. -
30
وَلَقَدۡ نَجَّيۡنَا بَنِيٓ إِسۡرَٰٓءِيلَ مِنَ ٱلۡعَذَابِ ٱلۡمُهِينِ
Talaga ngang nagligtas Kami sa mga anak ni Israel mula sa pagdurusang manghahamak -
31
مِن فِرۡعَوۡنَۚ إِنَّهُۥ كَانَ عَالِيࣰا مِّنَ ٱلۡمُسۡرِفِينَ
mula kay Paraon. Tunay na siya noon ay nagmamataas kabilang sa mga tagamalabis. -
32
وَلَقَدِ ٱخۡتَرۡنَٰهُمۡ عَلَىٰ عِلۡمٍ عَلَى ٱلۡعَٰلَمِينَ
Talaga ngang pumili Kami sa kanila ayon sa kaalaman higit sa [lahat ng] mga nilalang. -
33
وَءَاتَيۡنَٰهُم مِّنَ ٱلۡأٓيَٰتِ مَا فِيهِ بَلَٰٓؤࣱاْ مُّبِينٌ
At nagbigay Kami sa kanila ng mga tanda na may isang pagsubok na malinaw. -
34
إِنَّ هَٰٓؤُلَآءِ لَيَقُولُونَ
Tunay na ang mga ito ay talagang nagsasabi: -
35
إِنۡ هِيَ إِلَّا مَوۡتَتُنَا ٱلۡأُولَىٰ وَمَا نَحۡنُ بِمُنشَرِينَ
"Walang iba ito kundi ang pagkamatay naming una, at hindi kami mga bubuhayin. -
36
فَأۡتُواْ بِـَٔابَآئِنَآ إِن كُنتُمۡ صَٰدِقِينَ
Kaya maglahad kayo ng mga magulang namin kung nangyaring kayo ay mga tapat." -
37
أَهُمۡ خَيۡرٌ أَمۡ قَوۡمُ تُبَّعࣲ وَٱلَّذِينَ مِن قَبۡلِهِمۡ أَهۡلَكۡنَٰهُمۡۚ إِنَّهُمۡ كَانُواْ مُجۡرِمِينَ
Sila ba ay higit na mabuti o ang mga tao ng Tubba` at ang kabilang sa nauna sa kanila, na nagpasawi Kami sa kanila? Tunay na sila noon ay mga salarin. -
38
وَمَا خَلَقۡنَا ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَ وَمَا بَيۡنَهُمَا لَٰعِبِينَ
Hindi Kami lumikha sa langit at lupa at anumang nasa pagitan ng dalawang ito bilang mga naglalaro. -
39
مَا خَلَقۡنَٰهُمَآ إِلَّا بِٱلۡحَقِّ وَلَٰكِنَّ أَكۡثَرَهُمۡ لَا يَعۡلَمُونَ
Hindi Kami lumikha ng mga ito malibang sa katotohanan subalit ang higit na marami sa kanila ay hindi nakaaalam. -
40
إِنَّ يَوۡمَ ٱلۡفَصۡلِ مِيقَٰتُهُمۡ أَجۡمَعِينَ
Tunay na ang Araw ng Pagpapasya ay tipanan nila nang lahatan, -
41
يَوۡمَ لَا يُغۡنِي مَوۡلًى عَن مَّوۡلࣰى شَيۡـࣰٔا وَلَا هُمۡ يُنصَرُونَ
sa Araw na hindi magpapakinabang ng anuman ang isang tagatangkilik sa isang tinatangkilik at hindi sila maiaadya, -
42
إِلَّا مَن رَّحِمَ ٱللَّهُۚ إِنَّهُۥ هُوَ ٱلۡعَزِيزُ ٱلرَّحِيمُ
maliban sa sinumang kinaawaan ni Allāh; tunay na Siya ay ang Makapangyarihan, ang Maawain. -
43
إِنَّ شَجَرَتَ ٱلزَّقُّومِ
Tunay na ang puno ng Zaqqūm -
44
طَعَامُ ٱلۡأَثِيمِ
ay pagkain ng makasalanan. -
45
كَٱلۡمُهۡلِ يَغۡلِي فِي ٱلۡبُطُونِ
Gaya ng latak ng langis, kukulo ito sa loob ng mga tiyan -
46
كَغَلۡيِ ٱلۡحَمِيمِ
gaya ng pagkulo ng nakapapasong tubig. -
47
خُذُوهُ فَٱعۡتِلُوهُ إِلَىٰ سَوَآءِ ٱلۡجَحِيمِ
[Sasabihin]: "Kunin ninyo siya at kaladkarin ninyo siya patungo sa kalagitnaan ng Impiyerno. -
48
ثُمَّ صُبُّواْ فَوۡقَ رَأۡسِهِۦ مِنۡ عَذَابِ ٱلۡحَمِيمِ
Pagkatapos ay magbuhos kayo sa ibabaw ng ulo niya ng pagdurusa sa nakapapasong tubig. -
49
ذُقۡ إِنَّكَ أَنتَ ٱلۡعَزِيزُ ٱلۡكَرِيمُ
Lasapin mo; tunay na ikaw ay ang makapangyarihan, ang mapagbigay. -
50
إِنَّ هَٰذَا مَا كُنتُم بِهِۦ تَمۡتَرُونَ
Tunay na ito ay ang dati ninyong pinag-aalinlanganan." -
51
إِنَّ ٱلۡمُتَّقِينَ فِي مَقَامٍ أَمِينࣲ
Tunay na ang mga tagapangilag magkasala ay nasa pinananatilihang ligtas, -
52
فِي جَنَّٰتࣲ وَعُيُونࣲ
sa mga hardin at mga bukal, -
53
يَلۡبَسُونَ مِن سُندُسࣲ وَإِسۡتَبۡرَقࣲ مُّتَقَٰبِلِينَ
na magsusuot ng manipis na sutla at makapal na sutla, nang mga magkaharapan. -
54
كَذَٰلِكَ وَزَوَّجۡنَٰهُم بِحُورٍ عِينࣲ
Gayon nga, at ipakakasal Namin sila sa mga dilag na may maningning na mata. -
55
يَدۡعُونَ فِيهَا بِكُلِّ فَٰكِهَةٍ ءَامِنِينَ
Mananawagan sila roon ng bawat bungang-kahoy, nang mga natitiwasay. -
56
لَا يَذُوقُونَ فِيهَا ٱلۡمَوۡتَ إِلَّا ٱلۡمَوۡتَةَ ٱلۡأُولَىٰۖ وَوَقَىٰهُمۡ عَذَابَ ٱلۡجَحِيمِ
Hindi sila lalasap doon ng kamatayan maliban sa unang pagkamatay, at mangangalaga Siya sa kanila sa pagdurusa sa Impiyerno -
57
فَضۡلࣰا مِّن رَّبِّكَۚ ذَٰلِكَ هُوَ ٱلۡفَوۡزُ ٱلۡعَظِيمُ
bilang isang kabutihang-loob mula sa Panginoon mo. Iyon ay ang pagkatamong sukdulan. -
58
فَإِنَّمَا يَسَّرۡنَٰهُ بِلِسَانِكَ لَعَلَّهُمۡ يَتَذَكَّرُونَ
Kaya nagpadali lamang Kami nito sa dila mo nang sa gayon sila ay magsaalaala. -
59
فَٱرۡتَقِبۡ إِنَّهُم مُّرۡتَقِبُونَ
Kaya mag-abang ka; tunay na sila ay mga nag-aabang.