Talaga nang nagbaba Kami sa inyo ng mga tandang naglilinaw, halimbawa mula sa mga nagdaan noong wala pa kayo, at pangaral ukol sa mga tagapangilag sa pagkakasala.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Talaga nang nagbaba Kami sa inyo, o mga tao, ng mga tandang maliwanag: walang kalituhan sa mga ito, nagbaba Kami sa inyo ng halimbawa mula sa mga lumipas noong wala pa kayo kabilang sa mga mananampalataya at mga tagatangging sumampalataya, at nagbaba Kami sa inyo ng pangaral na napangangaralan sa pamamagitan nito ang mga nangingilag magkasala sa Panginoon nila sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم