Ang mga matanda kabilang sa mga babaing hindi na nakaaasang mag-asawa ay wala sa kanilang maisisisi na maghubad sila ng mga [panlabas na] kasuutan nila nang hindi mga nagtatanghal ng gayak, ngunit ang magpakahinhin sila ay higit na mabuti para sa kanila. Si Allāh ay Madinigin, Maalam.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Ang mga matandang babaing tumigil sa pagreregla at pagbubuntis dahil sa katandaan nila, na hindi nagmimithi ng pag-aasawa, ay wala sa kanilang kasalanan na maghubad sila ng ilan sa mga kasuutan nila gaya ng balabal at panakip sa mukha, nang hindi mga naglalantad ng magaang gayak, na ipinag-utos sa kanila na magtakip sa mga ito, ngunit ang tumigil sila sa paghuhubad ng mga kasuutang iyon ay higit na mabuti para sa kanila kaysa sa paghuhubad ng mga iyon bilang pagpapaigting sa pagtatakip at pagpapakahinhin. Si Allāh ay Madinigin sa mga sabi ninyo, Maalam sa mga gawa ninyo: walang naikukubli sa Kanya na anuman mula roon, at gaganti Siya sa inyo sa mga iyon.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم