Pansinin, tunay na sa kay Allāh ang anumang nasa mga langit at lupa. Nakaaalam nga Siya sa anumang kayo ay naroon at sa araw na ibabalik sila sa Kanya kaya magbabalita Siya sa kanila ng anumang ginawa nila. Si Allāh sa bawat bagay ay Maalam.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Pansinin, tunay na sa kay Allāh - tanging sa Kanya - ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa sa paglikha, paghahari, at pangangasiwa. Nakaaalam Siya sa anumang kayo, O mga tao, ay naroon na mga kalagayan: walang naikukubli sa Kanya mula sa mga iyon na anuman, at sa Araw ng Pagbangon kapag ibabalik sila sa Kanya sa pamamagitan ng pagbuhay na muli matapos ng kamatayan. Magbabalita Siya sa kanila ng anumang ginawa nilang mga gawain sa Mundo. Si Allāh sa bawat bagay ay Maalam: walang naikukubli sa Kanya na anuman sa mga langit ni sa lupa.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم