Tunay na si Allāh ay humahawak sa mga langit at lupa na huwag maalis. Talagang kung naalis ang dalawang ito ay walang hahawak sa dalawang ito na isa man matapos Niya. Tunay na Siya ay laging Matimpiin, Mapagpatawad.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Tunay na si Allāh - kaluwalhatian sa Kanya - ay humahawak sa mga langit at lupa habang pumipigil sa dalawang ito sa pagkaalis. Talagang kung naalis ang dalawang ito - kung ipagpapalagay - ay walang isang hahawak sa dalawang ito sa pag-alis matapos Niya - kaluwalhatian sa Kanya. Tunay na Siya ay laging Matimpiin: hindi nagmamadali sa kaparusahan, Mapagpatawad sa mga pagkakasala ng sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم